Ah! It's that time of the year again. Ladies and gentlemen it's our 2012 Christmas Parteeehhhh!!! Kung saan ang tema namin ay 80's. Ang daming kumarir sa costume at umaasang magiging best in costume. Sayang nga naman ang prize. Sa totoo lang elibs ako sa mga di KJ at nakikisama sa tema ng party. Isa nga naman itomg big excuse to go crazy sa pagdadamit (at pag-iisip) once a year. Ang datingan ko ngayon ay mala Bagets nga pala. Sino sa Bagets? Well, kung sino man nasa isip mo ang sagot ay none of the above!
By the way nandito pala ako ngayon sa office. It's been a long time mula noong huling dumampi ang pwet ko sa office chair ko. Masaya naman silang nag beso-beso. First time ko rin gumamit ng office PC para magsulat ng blog entry. Very refreshing! Wala kasing pusang nanggugulo sa akin at bigla na lang tatalon sa keyboard. Waiting mode lang ako sa mga kasama ko para pumunta na sa venue ng party namin. Nasa Glorietta pa kasi sila at nagpapa-wax daw. Namputsa e no? Todo con yelo. Meron din akong mga officemates dito na nagmistulang mga babaeng Minnie Mouse sa naglalakihang mga ribbon nila sa ulo. Siguro nga mas malaking ribbon mas 80's ang datingan. Sa bagay, naaalala ko nun ang lalaki din ng bangles, hikaw, buhok pati balikat (salamat sa paddings) ng mga artista si TV. Jologs kung jologs talaga. Ito ang panahong in na in ang naka tuck-in.
Malapit ng dumating ang mga kasama ko pero ang 13th month pay namin mukhang malayo pa ang lalakbayin. Di pa kasi nakasama sa sahod yung 13th month pay. Baka balak nilang ibigay talaga yun sa ika-13 buwan pa. Nag email na ko sa payroll kung kailan nila trip ibigay ang 13th month namin at sa kabutihang palad ay wala pa rin silang reply hanggang ngayon. Sa Outlook ko naman sila minessage so wag nila sabihing wala silang load. Hay, parang gusto ko tuloy bumirit ng kantang "Kaya ibigay nyo naaahh.. ang aming christmas bonuzz..." Aegis style. Di bale, feeling ko naman mabubunot ako sa raffle mamaya eh. Last last year nanalo ako ng 1k so sana this time grand prize na kahit alam kong malademonyo ang kamalasan ko pagdating sa mga ganyang bunutan. Balitaan ko kayo pag nanalo ako kaya wish me luck!
Pasensya na malamang later ko na maipopost 'to, alam nyo naman sa office walang facebook (pero maraming proxy LOL).

No comments:
Post a Comment