Nawala ang smile sa mukha ko dahil sa kanta n'yo |
Sabihin na lang nating pagkatapos ng kanta, dahan dahan kong inalis ang earphone sa duguan kong tenga at dumiretso ako sa kama. Di ako natulog. nakahiga lang tulala. Nakatitig sa kisame. Unti-unti na lang tumulo ang luha ko habang nakakuyom ang kamao. Sa isip ko, di pa ba sapat ang isang Chicser? Kailangan pa talaga ng isa pang kalapastanganang boyband? Sa isip ko habang tulala - ito na nga yata ang ang simula ng paggunaw ng mundo. Mundo ng musikang Pilipino.
OKAY. Medyo exaggerated 'yung pagkakakuwento ko. Di dumugo tenga ko at lalong di ako naluha. Napuwing lang, hehe. Pero di ako nag-eexaggerate sa pagkabuwiset ko sa District 5 na 'to! Sa dinami dami ba naman ng pwedeng babuying kanta, talagang kanta pa ng eheads at favorite ko pa! Anak ng tinola naman talaga! Kailan lang nasulat ko sa isang post ang pagkamuhi ko sa isa pang boyband (Chicser) tapos ilang araw lang may bago na namang sumibol na jejeband? Di ako bias, panoorin n'yo 'yung video at talaga namang nawawala sila sa tono at maraming misprpnounced words. Ihanda ang plastic bag in case of vomiting.
Di ko mawari kung One Direction o KPop wannabe's 'tong mga kolokoy na 'to, eh. Halatang pinagsama sama lang dahil sa mga mukha kasi alam na titilian ng maraming tatanga tangang jejemong babae. So binisita ko ang facebook nila. Lalong uminit ang ulo ko sa nakita ko. Lumabas ang mga ugat ko sa noo (mala-dragonball) at nag-super saiyan ako sa pagkabwiset. Di lang nila ako ginago ng once.. but TWICE!
Isang blasphemy sa Beatles' Abbey Road album cover |
Ano ba naman 'yan? 'Eto na ba ang trend? 'Eto na ba ang musika sa mga susunod na generation? Nakaka-depress naman kung ganon. Sana naman lagyan ng quality di ba? Di puro porma. Music scene pinasok nila hindi naman modeling. Bakit itong mga ganito ang nakakakuha ng exposure habang ang ilang magagaling na artists talaga natin walang pumapansin? Naaalala ko tuloy si Cynthia Alexander (sister ni Joey Ayala) tuwing nakakakita ako ng mga ganitong mga unworthy super exposed shit. Napilitan s'yang mangibang bansa dahil nga wala masyadong market para sa musika n'ya sa pinas. SUPER GALING ni Cynthia gumawa ng kanta at mag-perform. Search n'yo. Henyo talaga s'ya. Pang-international. At mukhang sa international na nga lang makikinabang sa musika n'ya thanks to these people na mas gusto pang makinig sa shitty music na kadalasan revival na nga lang di pa makanta ng maayos! How can you call that OPM kung hindi naman s'ya original in the first place? Pakset di ba?
So sa mga music lovers ng pinas. Isip-isip din pag may time! It all boils down to kung sino kasi ang tinatangkilik ng masa. Syempre kung nasaan ang masa - andun ang pera. Corporate logic. Pero PLEASE iangat naman natin taste natin kahit konte. Marami pang masarap na pagkain dyan kesa tae.
Kaya wala na akong bilib sa mga OPM ngayon iilan na lang ang masasabi mong OPM. Napaka rami pa ng Sh**Y music sa radyo kaya di na rin ako nakikinig nito lalo na sa mga hiphop or rap scene nakakainis kapag pinapatugotog ito ng mga utol ko. lalo na sa kapatid ko na adik kay Daniel Padilla. nakaka badtrip na minsan. Music is almost Dead with all this crap. hehehe
ReplyDeletetapos galit pa yung fans kapag kinriticize yung mga idolzzzz nila haha hay nako
Deletedahil may chicser at district 5 na... abangan ang mga susunod pang kabanata. i agree with you, cynthia alexander--hands down. her songs and compositions, including her magical voice, panalo talaga... saludo din kay joey ayala. sad to say pare, half dead na ang musikang pinoy na original matagal na, lalo ng naghingalo nun wala ng nagpapatugtog ng kanta ng mga usnigned bands na talentado sa NU107... mga kagaya mo at ng banda mo ang kelangan naming marinig pa. :)
ReplyDeleteisa lang si cynthia sa mga artists na nawalan ng chance dahil sa mga bobong choice ng ibang tao sa music, just my 2 cents
DeleteMedyo Ginaya nila ung Tiyempo at style ng Version ng SouthBorder..
ReplyDeleteNaiintindihan ku din ung mga nakarinig nito na tlagang SOLID FUNS ng EHEADS..
Dahil kahit san nman PAKINGGAN kahit anung ANGULO mu tingnan at PAKINGGAN..
EHEADS Version pa din ang THE BEST kpag With A smile ang Pakikinggan..
:D
ok ang version ng south border. pero syempre gusto ko pa rin yung orig,hehe. pero yung version ng d5 di ko mapapalampas talaga - kalapastanganan! LOL
Delete