Tuesday, June 25, 2013

Ate, Ate... Anyare? (Chapter 2: The Miriam Express)

Ang Nakaraan (tinginingininginginingining...):

Nagising ako mula sa isang panaginip. Pagkagising, natagpuan ko na lang ang aking sarili sa loob ng isang public bus katabi ang superstar Nora Aunor. Sinubukan kong bumaba ng bus sa paniniwalang panaginip pa din ang ang lahat ng ito. Pinigilan ako ng konduktor na si Robin Padilla. Di ko s'ya pinansin pero di pa rin nakababa ng bus dahil ayaw buksan ng bus driver ang pintuan ng bus. The bus driver is no other than Miriam Defensor Santago.

CHAPTER 2: The Miriam Express

Mga dalawang minuto din akong parang istatwang nakatayo lang sa tapat ng exit door habang nakatitig kay Miriam Defensor Santiago. Cute n'ya pala kapag naka bus driver uniform. Para akong napatingin kay Medusa dahil nanigas ang buong katawan ko sa lakas ng dating ni Miriam.

"So, are you just planning to stand there all day, mister?!" sarcastic na tanong ni Miriam sa akin. Natauhan naman ako at luminga-linga sa paligid. SYET. Mukhang di ako nananaginip, totoo ang lahat ng 'to. Tiningnan ko isa isa ang bawat pasahero sa bus. Parang lahat sila ay familiar-looking. Nasa isa ba akong game show? Wow Mali? May nakatago bang camera? Bawat pasahero kasi parang napanood ko na sa news o tv shows.

Sa front row nakaupo si Kris Aquino katabi n'ya si Ai Ai and James Yap. Hmm, nakagitna pa talaga si Ai Ai between James and Kris - OH! I get it, the annulment thing, hehe. Katapat nilang upuan is two-seater. Aba! Sina Sir Chief (Richard Yap) at si Maya (Jodi Sta. Maria) ng Please Be Careful With my Heart. Masaya naman silang naglalandian. Sa likod naman nila magkatabi ang magkapatid na Richard at Raymond Gutierrez. Busyng-busy sila sa mga iPads nila. Sa tapat nilang 3-seater, sina Tito, Vic and Joey naman ang nakaupo. IDOLS! And the popular names go on hanggang sa huling upuan ng bus. WOW. ano 'to parada sa Manila Film Fest? Bakit ang daming stars? Pero parang di sila aware na sila ay mga sikat na tao. Weird. So nagtanong ako kay Miriam.

"Ma'am, bakit po puro celebrities kayong nandito sa loob ng bus?" magalang na tanong ko.

Tumaas ang kilay ni Miriam. "Celebrities?! Kami? Hahahahaha!" hagalpak ng tawa si Miriam pati na rin si Robin at ang iba pang pasahero sa bus. Parang nabu-bully yata ako, ah. May nakakatawa ba sa tanong ko?

"We're not celebrities, iho. We're just ordinary people trying to survive the zombie apocalypse like you. Haven't you noticed kaya tayo stuck sa traffic is because lahat ng tao ay gustong lumikas papalayo sa Manila? Manila is now zombie-infested!" paliwanag ni Miriam.

"Zombies?" napakunot ang noo ko at ako naman ang humagalpak ng tawa. This time, walang tumawa kasama ko, kaya dahan dahang nawala ang pag-tawa ko. Fade out kung baga.

"Pero kayo po si Miriam Defensor Santiago, di ba?" tanong ko sa bus driver.

"Ako nga si Miriam. So what's the big deal?" Nalaglag ang panga ko. Lumingon ako sa konduktor na si Robin Padilla at binasa ang name tag n'ya. "Robin Padilla" talaga ang nakalagay. WOW. Mindfuck. Napalamukos ako ng mukha at natawa sa sarili. Parng di sila aware na celebrity sila. Isa ba 'tong parallel universe? Kung ano man 'to, it feels real and looks real so might as well just get along with this celebrity zombie apocalypse thing.

Napatingin ako sa harap. May malaking barikada sa highway kaya wala ng makadaang kahit anong sasakyan. So that's why para kaming stuck sa traffic. Marami na ding nagpapanic na tao sa labas. May tension na din between the military na nagbabantay sa barricade at sa mga taong gustong makaalis ng Manila. SHIT, this is serious. Bumalik na lang ako sa aking upuan. Bigla namang nagsalita ang kapitan ng bus na si Miriam.

Human barricade sa EDSA
"Brace yourselves passengers, we have waited too long and now, we will charge ahead!"

Naghiyawan ang mga pasahero sa tuwa! Pero parang hindi ganun kasaya ang katabi kong si Nora. Tahimik lang s'ya at parang tulala pa nga. Napatingin ako sa braso n'ya na medyo natatakpan ng bag n'ya. May sugat! Hmm, parang fresh wound na kagat. TEKA.. kagat ng ano?!

Dahan dahang lumingon sa akin si Nora at namumutla ang mukha. Hindi kaya sumobra lang sa foundation? Hinawakan n'ya ang braso ko ng mahigpit! "Pakiusap, huwag mo kong isusumbong, nabalitaan kong may anti-zombie serum sa pupuntahan natin kaya hayaan mo kong umabot doon, PLEASE..." nakikiusap na sabi ni Nora. Napatango na lang ako. Di ko tuloy alam kung lilipat ba ako ng upuan o sasabihin kay Robin ang lagay ni Nora. Pero sana nga umabot s'ya.

At bigla na ngang umandar ang bus. Nakahawak sa akin si Nora at ako naman ay nakahawak sa upuan. BOOM! Ramdam na ramdam ko ang impact ng bus pagkabangga nito sa barikada. Dire-diretso na ang andar namin - wala ng lingunan. Astig na driver pala si Miriam! Lalong naghiyawan sa tuwa ang mga bus passengers.

Pero si Nora, ang higpit pa din ng hawak sa braso ko... at parang natatakam!

*LUNOK*

(to be continued...)


No comments:

Post a Comment