Saturday, June 8, 2013

Paalam Pugad Baboy

The contriversial strip
Ito ang comic strip na nagpa-resign sa isa sa pinaka idol kong cartoonist mula noon hanggang ngayon - si Pol Medina, Jr. Yes, he has officially resigned kahit sobrang tagal na n'yang naging contributor sa Daily Inquirer. Alam ko 'to dahil sa comic section agad ako pumupunta kapag may Inquirer sa bahay. Sa kinapal-kapal ng dyaryong 'yon, yung Pugad Baboy strip ni Pol ang hindi ko pinapalampas!

'Nung college ang dami kong kaklaseng kumukumpleto ng Pugad Baboy comic books. Di ko alam kung naka-ilan na ba s'yang series pero bawat labas 'nun super kwela talaga. Sa National Bookstore kapag may natyempuhan akong Pugad Baboy comic book na wala sa plastic - YARE! Libreng basa, hehe. Ang galing ng humor n'ya kasi. Kuhang-kuha 'yung ratsadang pinoy, eh. Napakanatural. Parang Bob Ong pero visual. Idol talaga!

Nakilala din ang Pugad Baboy sa pagiging opinionated nito sa mga nangyayare sa ating bayan. Marami itong pahapyaw sa gobyerno at ganun na din a mundo ng showbiz. All the same, natatawa naman ang lahat. They're just cartoons anyway. Ang hirap mapikon sa cartoons. Pero mukhang di ganun ang kaso sa nangyare sa St. Scholastica. Umusok ang tenga ng ilang taga St. Scho dahil sa strip na ginawa n'ya na patama sa exclusive catholic schools. Na kino-condone daw nito ang lesbianism. Na hipikrito daw ang mga katoliko dahil mismong sa eskwelahan pa ng mga madre nagkakaroon ng girl to girl relationships.

Pero teka, hindi ba?

Exclusive schools. Meaning all-girls schools na usually mga madre ang mga heads. Madalas (o lagi yata?) mga pangalan ng santa o santo ang mga schools na ito. St. Paul, St. Anne, St. Scholastica, at kung sino sino pang saints. Admittedly, wala akong first hand experience maging estudyante sa mga schools na 'yan (DUH) pero I have friends and classmates nung college na produkto ng exclusive schools na ito. And guess, what? Madalas lesbian. Kundi naman lesbian, nagkaron ng ka-ON na lesbian. I know bawal sa school nila 'yun. Well that's IF mahuhuli. 'Yung iba nga pakumpletuhan daw ng araw sa kalendaryo ang ka-relasyon. I am not sure kung bakit nagkakaganon pero one thing I am almost certain about - dahil siguro hindi natural na i-segregate ang babae sa lalake lalo na sa crucial years of self-discovery. Sa kagustuhang mapalayo ng magulang ang mga anak nila sa kapahamakan, di kaya lalo pang nailalapit nila sila sa trobol?

Look, hindi ko nilalahat ng estudyanteng galing sa exclusive schools. Baka malas lang ako, kami ni Pol Medina, Jr. na nagkataon namang halos lahat ng nakilala mula sa exclusive schools ay may bahid ngang lesbiana. Baka maliit na porsyento lang kami sa napakalaking populasyon ng Pilipinas na nakahalata nito, di ba? Pero ganun ang opinion namin dahil 'yun ang nakikita namin. And you know what? I have nothing against lesbians, either. Sa totoo lang kung meron mang mali, it is not the students - it's the system.

Bakit ko nasabi?

Simple lang, dalawa sa mga naging kaklase ko noon ay lesbians. That was first year college. They were from an all girl school. Alam mo 'yung pormahang Back Street Boys? GANON! Ganun ang pormahan 'nung isa. 'Yung isa naman nagkaron ng ka-ON na lesbian. So klarong klaro, dalawang uri agad ng lesbian ang nakita ko. Isang nanliligaw at isang nagpapaligaw sa kapwa babae. Pero alam n'yo after one year? Second year kami, babaeng babae na 'yung dalawang kaklase ko na 'yun. Na parang diring diri silang maalala 'yung tendencies nila dati. These two girls are now housewives - at walang ng kahit konting bahid ng lesbianism sa katawan. So ano ang sinasabi nito? They are not lesbians after all. But MAYBE, their environment noong high school sila confused them. Kasi nga puro babae. Di talaga malabong magkaroon ng curiosity, experimentation, at confusion.

At ang subject na 'yan ang tumapos sa career ng isa sa pinakamagaling nating artist sa Pilipinas. Well, career sa Daily Inquirer that is. He resigned dahil na "dishonour" daw n'ya ang Inquirer. Ewan ko lang ha, pero parang sa tingin ko he made that decision out of disgust. Dahil tulad ng sinasabi sa strip n'ya, di ba parang hipokrito nga naman tayo para di sabihing 'eto talaga ang nangyayari? Di naman 'yun by chance lang at naisip lang n'ya. Like me, alam ko may basis din s'ya. Well, unless kami lang ang nakakahalata sa ganung trend I might as well resign na din sa Time magazine - KUNG nagsusulat ako 'dun, hehe. Pol said sorry and hopes to end the fire he started ASAP. I totally get him. Ano ba naman laban n'ya? And if sorry will make this all stop then why not? Sorry sabay resign. Yeah, I'd do the same. Para saan pa nga di ba? Biruin mo sa dinami dami ng times na tinira n'ya ng walang takot ang mga makakapal na mukha pero makapangyarihang mga politicians, 'eto pa pala ang magiging downfall n'ya. If you can't beat them - join them 'ika nga.

I salute you Mr. Pol Medina, Jr. Idol pa din kita. Huwag ka magalala dahil I can totally read between your lines. Mabuhay ka!



No comments:

Post a Comment