Friday, January 4, 2013

Ang Pagkapon kay Ashong ng Tondo

Chillax sa tanghali
Mga bandang tanghali wala pang kamalay-malay si Ashong sa magaganap sa kanya mamayang alas dos - ang oras ng kanyang bitay, este, operasyon. Today is the fateful day na puputulin na namin ang paghahasik ni Ashong ng binhi sa mga kababaihang pusa. Dahil sa mga kadahilanang medyo marami-rami na ang pusa namin, di naman kalakihan ang nabili naming bahay, ang pusok masyado ni Ashong, at maligalig sya masyado mag-heat (super ingay at laging naghahanap ng chika babes) kaya nagpasya kami na ipakapon na sya.

Masakit man sa damdamin ko ay sigurado naman akong mas masakit kay Ashong ang mangyayare... lalo na sa eggs nya. Biruin mo kapon? Saklap! Pero para din naman ito sa welfare ng mga pusa namin at para na rin sa welfare nya mismo. At least magiging panatag na sya sa mga gabing malalamig at tila maraming tukso sa paligid... raawwwrrr. Mawawala na ang nakakagulong tawag ng laman... raawwrrrr. At tatahimik na rin sya sa kaka-raaaaawwrrr. And so, kinailangan na nga naming umalis papuntang clinic.

Bago ko pa nga ilagay sa bag si Ashong hinayaan ko pa muna syang makipagharutan sa love team nyang si Felicity (formerly Phil ang pusang pilay) for the last time. Pero nung umaaktong papatong na si Ashong, hep hep hep! Pinasok ko na sa bag si Ashong at tuluiyan ng nilayo sa alindog ni Felicity. Oo na, kami na kontrabida sa teleserye nila pero kailangan namin itong gawin bilang responsableng mga cat owners (pahid-luha).

Around 2:30 na ng hapon ng makarating kami sa clinic. Bakas na sa mata ni Ashong ang tensyon. Parang psychic sya na nararamdaman na may papalapit na panganib! Pero dahil laking Tondo, pilit nyang kinukubli ang takot sa amin... kahit obvious naman sa mukha.

Ashong atapang apusa - aputol aitlog hindi atakbo!
Ininjectionan na nga ng anesthesia si Ashong. Pero dahil nga laking Tondo, ayaw pa rin magpakita ng kahit anong senyales na babagsak sya sa anumang uri ng gamot o kemikal. "LALABAN AKOOO" parang yan ang nababasa ko sa mga mata nya. Pero bandang huli nanaig pa din ang syensya. Heto sya habang lumalaban sa gamot.


After umepekto ng gamot, hiniga na nga sa operating table si Ashong. Kalmado naman si Ashong nung binigyan ulit sya ng 2nd shot for anesthesia. At ng lumuwa na ang dila ni Ashong as sign na tumalab na ang anethesia - it's kapunan time! Eto sya when the procedure began. Parang pusang lulong lang sa droga.


Eto naman sya when the procedure ended. Wag po kayong mag alala - buhay sya. Mukha lang syang stuffed toy pero humihinga po sya. Weird pala ang epekto ng anesthesia ni doc.


Finally natapos din ang operation. It's a success! First time ko makakita ng up-close na opera at sa pusa pa talaga. Buti na lang magaling si doc pati na rin ang mga assistants nya (ehem, kami yun). Oo, counted sa pagiging assistant ang paghawak sa kamay at paa ng pasyente habang inooperahan. Natapos ang lahat ng tulala pa rin si Ashong sa kawalan pero medyo nagagalaw na nya ang dila nya at unti-unti ng nakakakilos. Eto nga pala ang "balls" na inalis kay Ashong. What a waste...

Jingle balls jingle balls jingle balls away...
Matapos ang matapang na pakikipagsapalaran ni Ashong sa vet ay inuwi na namin sya. Still, para pa ring syang stuffed toy - pero de-baterya na ngayon dahil sa paminsan minsan nyang pagkislot. Pagdating namin sa bahay, naawa naman ako sa kanya. Paano ba naman, hirap na hirap syang tumayo dahil sa lingeing effect ng anesthesia. Para syang lasheng na pumipilit tumayo. kaya tinulungan ko syang lumabas ng bag para makapag-stretching man lang. Heto ang eksena.


Di ko alam kung pusa pa ba sya o palaka na sa way nya lumakad. Nakakaawa din naman. Pero ganyan daw talaga sabi ni doc, after ilang hours daw balik na sya sa dating sigla at pwede na din pakainin bukas. Ayos! Ang downside daw, meron pa din daw konting hormones (testosterone) na naiwan sa katawan ni Ashong na in circulation so expect daw namin na medyo maghahabol pa rin ito ng chikas. At ayun na nga ang nangyare. Di pa nga makaagapay sa paglalakad e dumiskarte agad ng malupet etong si Ashong kay Fiona - na NANAY pa nya. At ang classic pa neto - BUNTIS si Fiona! Heto ang napala ni Ashong sa kanyang kapusukan.


O di ba? Tama ba kasing pati nanay taluhin? At jontis pa! Kawawang Ashong. Kasalukuyan ay namamahinga ngayon si Ashong sa kanyang cage at sa wakas bukas ay makakatikim na ulit sya ng pagkain at tubig. We're so proud of you Ashong! Ikaw ang pusang may B na walang B!


4 comments:

  1. Kawawa naman...

    Persian ba yang mga pusa mo, Kuya? Ang gaganda. Parang mga pusa ni Anne Rice.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes. pogi no? pero si judy meron pang 7 duto sa bahay nila. puro babae kaya kelangan ng kapunin ni ashong

      Delete