Naaalala nyo pa ba 'yung Batibot? Hindi ito yung "the new" Batibot na wala na sina Kuya Bodjie at Ate Sienna ha, eto yung ORIGINAL Batibot kung saan makikita pa natin ang idol ng mga batang 80's na si Pong Pagong (Weeeeeeeee!).
Wala ba kayong napansing kakaiba kay Pong Pagong? Nung bata pa ako, kesyo aliw na aliw sa kanya, dinedma ko lang kung bakit sa ilang episodes ko ng pagsubaybay sa Batibot eh palaging di gumagalaw ang kanang kamay nya!
Kahit i-check nyo pa sa kahit anong video footage, talagang walang mintis. Gumagalaw ang lahat ng parte ng katawan nya except sa buong kanang kamay. From balikat to kamay mismo - PARALYZED. Weird no?
May ilang mga theories ang mga dalubhasa patungkol sa misteryo na ito. Sabi ng iba, yung actual na kanang kamay daw nya ay na-relocate sa leeg nya. Kaya ba yung leeg nya yung kayang mag-stretch (na parang kamay)? Ganun? So paano makipagsuntukan si Pong Pagong? Laging headbutt? Isa pang theory na nalaman ko matapos ang aking malalim na pananaliksik sa library ng Harvard ay ito. Pinanganak na raw na ganun ang kondisyon ni Pong Pagong at pinakita lang ng Batibot sa mga bata na di hadlang ang kapansanan para magtagumpay sa buhay. Kung meron nga lang pambansang mascot, pwedeng pwedeng manalo si Pong Pagong di ba? Medyo mahigpit lang labanan nila ni Jollibee pero malaki chance nya. Depende na lang kung ano ang patok sa panlasa ng mga bata ngayon: Yum Burger ni Jollibee o tinapang bangus ni Pong Pagong.
No comments:
Post a Comment