Dear Ashong,
Ashong, may ever favorite cat, di na ko magpapaligoy-ligoy pa sa sasabihin ko sa'yo. Wala ng mahabang entrada at gagawin ko na 'tong straight to the point. Besides, alam ko namang matapang ka at matalinong pusa. Remember yung naglaro tayo ng fetch? Ang bilis mo maka-gets ng mechanics. Saya nun di ba? Kaya sana itong sasabihin ko sa'yo ay di gaano makaapekto sa'yo negatively.
Wala namang madaling paraan kundi sabihin ko na lang sa'yo ng deretsahan di ba? Pranka naman ako sa'yo kahit noon pa. Sinasabi ko naman sayo ng face to face kapag masyado kang maingay o kaya masyado kang matakaw. Kapag jumebs o umihi ka sa maling lugar nakakatikim ka sa'kin ng konting tapik ng pagmamamahal pero that's that. Alam mo namang di kita sasaktan sa kahit anong paraan. Kaya itong sasabihin ko sa'yo, gaano man kasakit, ay hopefully matanggap mo ng maluwag sa iyong kalooban.
On the second thought, parang mas maganda yatang wag ko na lang sabihin sa'yo at alalahanin mo na lang ang magagandang nangyare sa'yo this past few months. Ang mga naging kaibigan mo sa Tondo, ang bago mong bahay at friends sa Las Pinas, ang masayang pagsalubong natin sa bagong taon. Higit sa lahat ang ang maigsi at nagliliyab na pagmamahalan nyo ni Phil. Salamat na rin sa'yo at nalaman naming babae pala sya at hindi lalake. Kaya from Phil ay mapapalitan na ng Pilita ang name nya. Or Felicity as suggested by my maarteng wife. Mukhang magbubunga pa yata ang one night stand nyo. Mahilig ka pala sa bata. Hayaan na lang nating yan ang maalala mo at mapanaginipan mamaya hanggang sa pagtulog mo.
Ahmm... nga pala bibisita lang tayo sa vet bukas para ipakapon ka, okay? Whew, nasabi ko rin.
Nagmamahal na amo,
Ronski

hahahahaa!!!!
ReplyDelete