Saturday, January 5, 2013

Anyare sa Thy Womb?

See the wins and nominations. Sayang lang...
Anyare sa Thy Womb?

Pansin ko lang na tuluyan ng nawala sa sinehan ang pelikulang ito. Dahil daw konti ang nanonood at syempre pa - walang kita - wala na rin daw rason ishowing ito. Pero alam nyo ba na ang pelikulang itinapon na lang basta basta sa labas ng cinema houses (na parang popcorn box na wala ng laman) ay isang pelikulang binigyan ng standing ovation sa ibang bansa? 

Sa 69th Venice International Film Festival halos sampung minutong standing ovation ang mga foreigners sa film na ito. SAMPUNG MINUTO HALOS. Mantakin mo yun? Kakangawit yun ah. Pero para makayanan ng mga manonood tumayo at pumalakpak ng ganun katagal, the movie must be that good. Nakakuha din ng parangal ang pelikulang ito ng ilang panalo mula sa international award giving bodies. Di ko pa napapanood ang Thy Womb, balakin ko man, eh dito sa SM malapit sa amin nilamon na ng Sisterakas yung movie house na para sa Thy Womb. Anak ng peking duck di ba? Oo at times nakakatawa si Vice Ganda pero ikumpara ba naman ang lalim ng Thy Womb sa Sisterakas? Nakikita ko pa lang baba ni Ai Ai sa commercial ng Sisterakas nabubuwiset na ko eh, sarap lang sapakin pag dinidistort nya yung mukha nya. Si Kris naman umangkas pa sa dalawa. Pagsama-samahin mo pa yang mga yan wala naman binatbat kay Eugene Domingo yang mga ungas na yan. 

Mabalik tayo sa Thy Womb. Nora Aunor versus the Sisterakas. Ironically, si Nora ngayon ang nangangailangan ng HIMALA para matalo ang demonic trio. Pasenysa na kung fan kayo ng Sisterakas pero I just had enough of this movie trend na nangyayari sa bansa natin. Di ma umusad-usad! Puros sundot punchline comedy plus slapstick. Nakaksabaw lang ng utak. Kaya I feel the frustration of Brilliante Mendoza, the Thy Womb director, na bakit sa sariling bansa pa natin di tinatangkilik ang mga pelikulang pinag-iisipan talaga. Pero ano pa nga ba'ng bago di ba? Ganyan naman madalas. Maraming films ang makikilala sa ibang bansa habang pag pinalabas sa Pinas nilalangaw. Sana naman medyo maumay na ang mga movie goers natin sa mga pelikulang matabang at walang lasa. Tumikim naman tayo ng experimental dish na may halong tamis, anghang o paminsan minsang mapait.

So pano ba yan? Abangan ko na lang sa torrent yung Thy Womb. *face palm*


1 comment:

  1. correct ka dyan ... sinabi ko din kay MJ yan eh na bakit tatanggalin ang moovie ni nora eh dun tayo nakilala sa ibang bansa, nanalo ng best actress sa ibang bansa astig kaya yun. di ako maintindihan ni mariejune bakit ako naiinis at tinangal ang thy womb sa sinehan kung ano pa yung nagbigay ng karangalan sa atin yun pa inalis. kabwisit si AIAI DELAS ALAS!

    ReplyDelete