Kung isa ka sa masusuwerteng nilalang na may libreng wi-fi access dahil sa kapitbahay - dalawang bagay lang yan. UNA, sadyang napakabait lang ng neighbor nyo at feeling nagkakawang gawa sa pagpayag na ma-access ng iba ang signal nila o PANGALAWA, sadyang di lang talaga techie si neighbor. Pero eitherway, SALAMAT pa rin sa kanila.
Pero ano pa nga ba ang babadtrip pa sa isang wi-fi access na akala mo maa-access mo na yun pala BOOM! Kailangan pa ng password. Kaya nagkaroon ako ng idea. Why not start January 2013 with an April fool's day prank. Simple lang naman, I changed our network name to FREE WiFi (weh?).
Dami sigurong badtrip sa Victoria Court na nasasagap yung network name namin, hehe. Dyan lang kasi sila sa likod ng bahay. Pwede naman sila gumamit ng sariling wi-fi ng Victoria Court anyway bakit hahanap pa ng iba. Isama mo na rin yung mga tambay sa labas ng bahay, malamang pagbukas nila ng mga smart phones nila panandaliang manlalaki ang mga mata nila sa "FREE Wi-Fi" pero manunumbalik sa pagkasingkit pag nakita na nila yung karugtong na "(weh?)."
Pero syempre may mga masisigasig at susubok pa rin dyan. Umaasang parang SM wi-fi lang lang ito at libre talaga. Pero in the end magkakakalyo lang mga daliri at utak nila kakahula sa password ng network na kung tutuusin ay NAAAAPAKADALI lang naman. Sino ang pambansang bayani? YUN ang password!
Weh?
AT AYAW GUMANA NG PASSWORD SA BUFFALO
ReplyDelete