Thursday, January 10, 2013

Tabi Po


Nung bata pa lang ako mahilig na ko magdrawing. Napakalawak ng imagination ko nun kaya galit na galit nanay ko sa'kin dahil lagi lang napupuno ng drawing ang mga notebooks ko sa school. Tamad na nga kumopya sa blackboard puro doodles pa ang notebook. San ka pa?

Nahiligan ko rin gumawa ng sarili kong comics. Ang bilis ko daw magdrawing kaya tuwang tuwa mga kaklase ko nun. For all I know gusto lang nilang maisama ko sila sa mga imbento kong fantasy comics na kami-kami din ang bida. Nakaka-miss din. Parang wala na akong panahon sa ganun ngayon lalo na ngayon nasa computer age na tayo. How about web comics? Aba, dyan naman papasok ang malupit na web comics na nadiskobre ko kailan lang dahil sa isang college friend (Nathan). Habang nag be-brainstorm kami for a comics side-project, na-introduce nya ako sa "Tabi Po" web comics by Mervin Malonzo and I was mesmerized.

Dark. Mature. Brutal. Fresh. Sensitive. Malalim. Sensual. Beautiful. Pinoy.

Iilan lang yan sa mga adjectives na bagay sa Tabi Po. Magugulat ka na lang na libre lang mabasa ang comics na ito pero hayup sa quality! Hayup in a good way, ha. Maganda ang style ni Mervin sa pagguhit. Distinct. Marumi pero malinis. Basta! Bagay na bagay sa tema ng comics nya which is about the surreal life of being an ASWANG.

Simple lang ang plot ng story pero fresh. Ibang-iba ang approach sa mga napapanood nating aswang movies. Dito napapakita ng maayos in an artistic manner how it is to be an aswang. Nagustuhan ko rin ang character development method nya. Di nagmamadali pero di nakakainip. Tama lang. Habang nagbabasa nga ako nabubuhay na naman yung dugong comics enthusiast ko. Lalo ako na-inspire to pursue yung side project namin ni Nathan to revamp an old comics concept that we had during our college days. Successful graphic illustrator/artist na sya ngayon and I'm glad we still have that FIRE to revive an old abandoned project.

Maraming ways para suportahan si Mervin sa ginagawa nyang ito. Monetary of course at syempre kung walang budget, tamang publicity na lang (tulad ng ginagawa ko). Nakakatuwa lang kasi obvious na di oportunista tong taong 'to kasi talagang ramdam mong gusto nya talaga yung ginagawa nya at may puso. Saludo ako sa creativeness. Heres the website to show support, book 1 is absolutely FREE by the way. Hintayin nyo magload yung site. Napanganga ako sa creativeness - galing talaga!

And of ourse here's the link sa Tabi Po web comics. 100% FREE and enjoyable. Bihira lang tayo makatisod ng ganitong generous talent sa bansa nating puno ng kurakot so sana dumami pa ang tulad nya. Long live pinoy artistry and libreng comics! By the way, may mature content and comics na ito (obvious naman sa image na nakalagay sa post na 'to) at may religious references din so be warned!


No comments:

Post a Comment