Monday, January 28, 2013

Ang Kwento sa Likod ng "Kwento"

           

Last Saturday, umattend kami ni misis sa isang kasal. Kasal ng mga dating umattend sa kasal namin. Well, you can say we're just returning the favor, hehe. Pero actually 'yung ikakasal ay isa sa mga matatalik kong kaibigan kaya I treated this day special rin. Kaklase ko sya since high-school and until now magkabarkada. We even formed a band and made songs together. Feeling Lennon-McCartney lang ng Beatles. Well this time, we collaborated on a different project. A special video for his wife. Shot in just one day at puyatang editing. Nung pinalabas na sa kasal nila yung movie, we're very fulfilled and we knew it was a job well done.

Simple lang ang simula ng movie na yan. It all started with a call from the groom (Cid) na meron daw syang "pakulo" sa kasal n'ya. Intrigued naman ako. I was all ears to his plan kasi gusto ko yang mga ganyang surprises. Well kung di n'yo pa alam, ako with my groomsmen (isa na si Cid dun) prepared a surprise dance number during my wedding. At pag napasayaw mo si Ronel - aba, surpresa nga yun! So going back to Cid's plan, nasabi nga n'ya na gusto n'ya mag-shoot ng mala documentary movie for his wife. And so that's what we did. 

We spent the whole Thursday (2 days before his wedding) shooting sa Manila. Nauna sa SM Manila where we did our interviews. Kinapalan na namin mukha namin since andun na rin lang kami. His cousin (Noly) headed the interview division habang ako naman sa camera. Tatlo lang ang tanong namin sa mga iniinterview namin.

1. Sino paborito mong artista?
2. Ano nagustuhan mo sa kanya?
3. Ano dapat n'yang gawin para mapasagot ka n'ya? (optional)

And with proper editing.. BOOM! Parang pinupuri ng mga ininterview namin si Cid. Well, inamin naman namin sa mga kinapanayam (wow lalim) namin ang tunay na reason ng interview namin so more or less alam na nilang ididistort namin ang mga sagot nila, hehe. 

Then pumunta kaming PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) kung saan graduate si Cid. Doon naman kami nag-shoot ng classroom, clinic, library and saka field shots. Again, kapal lang ng mukha ang puhunan para maka-shoot kahit may mga padaan-daang estudyante. Then, sa Intramuros naman kami kumuha ng beauty shots. Mga pang fillers lang. Then we went to Robinson's Manila to buy his shoes and finally went straight to his condo to shoot some minor scenes and record the voice over. Actually I'm impressed with his recording, parang si Joonee Gamboa lang.

Then ayun na, walang tulugan sa editing. Awa ng Diyos matapos ang orasyon at pagdadasal na wag sana mag-crash ang battered laptop ko, around lunch time ng Friday, natapos na yung rendering ng final video. Swabe yung first screening namin sa dambuhalang TV. Gusto naming mag group hug sa saya pero sagwa eh so wag na lang.

So there you go, ang kwento kung paano namin nagawa ang short dokyu na "Kwento". Again, congrats to the the groom and bride and may this video remind you na di pa patay ang mushiness sa mundo.

The husband and me
The wife with my wife



No comments:

Post a Comment