Tuesday, November 27, 2012

The Dark Knight Rises: Swak na Finale


Lubos kong pinagsisihan dati na di ko napanood sa big screen ang pelikulang ito. Siguro masyado lang akong busy noon kaya siguro napalipas ko sya. Pero isa sa mga pinaka valid kong reason siguro kaya ko sya pinalampas e dahil sa mga hinayupak na tao sa facebook na walang pigil sa sarili at inispoil ang ending ng Dark Knight Rises. Paksyet kayong lahat! How am I suppose to enjoy a movie na alam ko na ang ending di ba? Mga pampam online eh. Pero anyway I am glad to say na after watching the movie... MALI ANG SINASABI NYONG ENDING! Mang-iispoil lang ng ending mali mali pa. Mga HANGAL!

Well, this review MIGHT have spoilers so there. Wag nyo ko isumpa kung bigla akong may mabanggit na spoiler. Besides anong petsa na di ba? Ipapalabas na nga Superman wag mong sabihing di ka pa rin nakakatapos sa Batman trilogy.

Unang una, napakahaba ng pelikula. More than 2 hours pero it felt like na di naman sya ganun kahaba dahil hindi po sya dragging or boring. May tension ang majority ng story and I like the dark feel sa movie na ito - he's the DARK knight anyway. It's mainly about a retired Batman na bumalik na nawala ulit at muling bumalik para iligtas ang Gotham. Nakakatouch lang talaga paano pinakita dito gaano ka-love ni Bruce Wayne ang tinubuang siyudad. Pinakita dito ang human side ni Batman na frail, weak at paminsan minsan sablay din. Yung un-super hero side ni Batman. It really got me to witness his struggle to be what he's suppose to be and at the same time be human about it. Ang ganda ng flow of emotions sa film na ito. Hats off to Christian Bale.

The cast from commissioner Gordon hanggang kay Catwoman is superb! Ang galing din ni Levitt Gordon (di po sya ang commissioner Gordon). Not surprised. There's something about him na ang gaan panoorin sa screen. I enjoyed watching him sa 500 Days of Summer, 50/50 and Looper. tamang timpla ng acting at presence. Speaking of presence, how about Anne Hathaway? Lalo tuloy ako napamahal sa pusa, he he. Anak ng pusa kasi ang ganda, sexy at galing nya sa movie! At first I was kinda skeptic sa role nya pero after watching the film -wow, she really got it right. The rest of the cast including Morgan Freeman and the one who played Alfred are OK, too. Lastly, si Bane. Lagi syang niloloko dahil sa boses nya sa movie. Kawawa naman. Komut bingot yung tao ginaganun na, tsk. Seriously speaking, I kind of liked the villain. Hindi sya yung typical all muscles no brain na kalaban. Magaling sya at matalino. Nagulpi nga nya si Batman sa mano mano san ka pa? Maangas ang datingan nya. Ruthless pero hindi illogical evil. Tamang timpla lang.

Now the ending and major spoiler alert. Ang sabi ng karamihan namatay daw si Batman sa dulo. Pero nung napanood ko yung movie I really beg to disagree. Sumabog nga ba si Batman at sumambulat ang laman sa dagat? Ilusyon lang ba ni Alfred na nakita nyang buhay na buhay si Bruce Wayne? Here's my analysis.

1. Nabanggit nung kumukumpuni nung jet (na supposedly walang auto-pilot) na nagawa na daw ni Bruce Wayne yung auto-pilot feature nung model nung jet na yun na di alam ni Morgan Freeman. Meaning, pwedeng gawa ang auto-pilot nung sinasakyan ni Batman at nakatalon off the jet before the nuke exploded.

2. Kung ilusyon ang nakita ni Alfred, how come nasa eksena din si Anne Hathaway? Wala naman syang alam na nagkaroon ng romantic thingy ang dalawa di ba? So kung mag iilusyon sya dapat ang kasama ng master Bruce nya e yung namatay nya ring wife. Total pareho naman na silang patay sa isip nya (parang 6th Sense lang). Pero dahil buhay nga si Bruce kaya buhay din yung kasama nya.

Kakalito ba? Ah basta! Buhay si Batman at sana nga magkaroon pa ng kasunod dahil ang ganda din ng character development ni Robin sa story - na si Levitt Gordon pala. Batman and Robin na ang next pag nagkataon. Sagwa kasi nung George Clooney at Chris O'Donnell na tandem noon. Pero mukhang ito na talaga ang huling Batman na gagawin for now. It's cool with me. Pero still, I'm open for another Batman FROM the same director ha - Christopher Nolan. Total nauuso naman yung pahabol sequels like etong ipapalabas na The Hobbit na connected sa Lord of the Rings trilogy din. There are rumors also na since nabili na ng Disney and rights sa Star Wars, baka daw gawan nila ng movies ulit ang Star Wars. Ah, the possibilities! Basta ako inaantay ko pa rin ang mga susunod pang movies ng Shake, Rattle and Roll. BOOM!


1 comment: