Marami na ring naging sikat na kanta sa Pinas. Maraming basis kung patok ang isang awitin.
- Kapag 'yung airplay nito sa radyo ay gasgas na
- Kapag dumaan ka sa Divisoria o Baclaran, ito ang madalas ipatugtog sa mga jumbo speakers ng mga nagtitinda ng CD's
- Madalas mong maririnig na kinakanta ng mga bata
- Ni-revive o ginawan na ng ibang version ng naaaaapaka-creative nating mga astists
- Mahuhuli mo paminsan minsan ang sarili mong kinakanta na ang karumal-dumal na kantang iyon subconsciously
- Patok sa videokehan
Sounds familiar? Well, one song comes to my mind sa mga description na 'yan. As a matter of fact, dahil sa kantang 'yan ako'y di makakain. Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. PWE! Sinaniban na naman ang dila ko ng masamang espirito ng Pusong Bato.
Pusong Bato. Tunog 80's ang kantang ito pero grabe sa kasikatan ngayon. Bakit kaya? Parang Eddie Peregrina na Willy Garte 'yung boses 'nung kumanta (Alon daw name). Nothing so special pero hayup sa kasikatan ang kantang 'to. Again, BAKIT? Nakakabaog sa daming beses mo maririnig ang kantang ito sa isang araw. Salamat na rin kay Jovit at naisipan pang i-revive ang kantang ito kaya naman dumoble pa tuloy ngayon ang chances na maririnig mo s'ya sa maghapon. THANK YOU ha.
May claim pa nga from a certain Aimee Torres na ninakaw lang daw sa kanya ang kantang ito. Na s'ya raw original owner ng kanta and it was originally titled Pusong Mamon. Wow. Ang pogi lang 'nung kanta at pinag-aagawan talaga. One thing for sure, ang misteryo kung bakit sikat na sikat ang kantang ito ay hindi naman na ganoon ka misteryo actually. Siguro nga baduy at corny pero 'yan ang gusto ng pinoy, eh. Doon may market kaya naman wala tayo magagawa. Pero ganito na ba talaga "taste" ng pinoy? Halina't pag-isipan habang pinapakinggan ang makatindig-balahibong english version ng Pusong Bato.
kung buong album nga ni Anne Curtis nagplatinum, is there really anything else you could say about pop culture in Pinas... :)
ReplyDeleteisa pa yan. ang daming magagaling na artists ang mas deserving ng attention. isang malaking buntong hininga.
Delete