After sa pool - it's beach time!
Maganda din ang view sa beach - maybe it's because of tke korean bodies? The roaring waves? Well, two things ang pinakanagustuhan ko sa beach ng Aquatico. Una, is when I saw Ron na parang sira ulong nagpapaka Titanic survivor sa buhangin. Palibhasa di marunong lumangoy sa tubig kaya sa buhangin nag breast stroke. Ogag lang no?
|
Frustrated swimmer |
Second na favorite part ko 'nung swimming sa beach eh syempre ang private time namin ni Judy, hehe. Ako at s'ya lang habang naglalaro ang mga ulap sa ibabaw ng dagat. How romantic. Feeling ko nasa gitna kami ng isang music video ni April Boy Regino. Sana ay mahalin mo rin ako...
|
Manuno ka teh! |
One thing na okay sa Aquatico is libre ang mga kung ano ano sa beach. Like 'yung pedal boat, kayak, at kung ano ano pa. Na-mention ko rin bang libre din ang paggamit sa recreational room nila? Sayang nga lang di na namin nadalaw 'yun kasi kulang talaga sa oras at bawal kami lumampas ng alas dose ng tanghali sa resort na 'to bukas! Anyway, eexplain ko mamaya kung bakit di kami kailangan lumampas ng tanghali bukas dito NO MATTER WHAT. For now, let's check their dinner buffet.
|
At sa isang iglap.. naglaho ang lafang! |
Talagang kundi swimming - kain ang inatupag namin sa getaway na ito. Nasayang lang ang pag aalaga ko sa abs ko. Anyway, eexplain ko na kung bakit delikado kaming lumampas ng tanghali bukas dito. Kasi last trip ng mga jeep dito papuntang bayan ay tanghali. If ever sa ano mang katangahang kadahilanan na lumampas ka ng tanghali - BOOM! Bayad ka ng 500 pesos para sa isang tricycle ride papuntang bayan. O di ba? Kaya naman kami sinigurado naming bukas di kami magpapaka-late.
At 'yun na nga ang nangyare. Kinabukasan, after mag-breakfast - inayos na namin ang gamit namin para sa byahe pabalik ng Manila. Sarap din ng buffet na breakfast! Kaya talagang ready na kami para sa isa na namang mahabang byahe ahead of us. Sakto din naman kasi kinaumagahan ang dami bigla ng tao sa Aquatico. Buti na lang nagsawa na kami kakalangoy (...or kakatampisaw) kahapon. So departure time arrived. Thank you, Aquatico!
|
Ready to go! |
Bwenas naman at walang kahirap-hirap kaming nakasakay ng jeep papuntang bayan. Nakakita ako ng pagkakataon kaya lumapit ako kay Judy. Nag-request na din ako ng solo pic with Judy kay Ron. Himala! Walang kaangal-angal namang pumayag si Ron. Bait ah! Bwenas, hehe. Ganda pa naman ni Judy sa bumbay-inspired look n'ya dito.
|
Bumbay lang ang peg |
Medyo weird lang ang experience namin sa jeep. Parang pansin ko lang na parang lahat ng taong sumasakay sa jeep ay magkaka-kilala! Regardless pa kung malalayo ang distansya ng mga pasahero sa pagsakay - parang magkakapit bahay lang sila kung umasta pag akyat sa jeep. Mapapagkamalan mo ngang mga holdaper kundi lang isa sa mga nasa jeep ay lolang may bible at isang aleng may mga dalang gulay. So much for being skeptical. At any rate, wala na 'kong pake basta't nasa balikat ako ni Judy, hehe.
Pagdating ng bahay may nahalata ako. Bigla akong binaba ni Ron sa gitna ng mga ferocious cats nila. Mukhang he knows my evil plans after all.
|
Help? |
Well, that sums up the Birthday Getaway series. This is not goodbye dahil next month pupunta naman tayo sa isang lugar na medyo controversial these past few days - BOHOL. They're down right now pero I'm sure they'll be back and better in no time. Bangon Bohol!
Thanks for hanging out with us, this is Tim Giggle Grabber signing off. Thank you, Aquatico!
No comments:
Post a Comment