Thursday, October 3, 2013

Panawagan sa Kinauukulan (Updated)

Since identified na ang mga salarin - let's settle for this less diturbing picture
Di ko maisip kung anong kademonyohan ang pwedeng sumapi sa mga sira ulong 'to para ganituhin ang isang walang kalaban-laban na tuta. Naka drugs ba 'tong mga to!? Parang mga ritwal sa kulto kung apak apakan ang tuta. Nadudurog 'yung puso ko kaya di ko na kinayang panoorin ng buong-buo ang video - sapat na ang mga nakita ko at sa dulo tuluyan na ngang di nakayanan ng tuta ang kawalanghiyaan ng mga hayup na 'to. Sila ang tunay na HAYUP sa ginawa nila.

Kaya sana ay mabigyan ng parusa ang tatlong babae sa video at yung kumukuha ng video. Sana makaabot sa may kapangyarihan ang video at mamukhaan ang mga salarin. Hindi dapat tinotolerate ang ganitong kaharasan sa mga hayup - lalo na't sa isang wala namang threat tulad ng tuta sa video. Kung ginawa nila ito out of magpapansin - well, well done! Dahil nakuha n'yo talaga ang pansin ko at ng maraming tao. Let's see kung matuwa kayo sa kalalabasan ng pagpapapansin n'yo. Batas na ang bahala sa inyo.

UPDATE:

I just learned na na-identify na pala ang mga tao behind this act of cruelty. Such joy! Apparently, this is just one of the animal torture videos na kagagawan ng mag-asawang Dorma and Vicente Ridon.

Here are some articles I gathered from the net regarding the case:





Faith in humanity (slighlty) restored!

ANOTHER UPDATE:

Apparently, the Ridons' case was a different story. The three girls in the recent video are still at large! Sana mahuli na 'tong mga hinayupak na 'to!



No comments:

Post a Comment