Sunday, October 27, 2013

The Kagawad Face-off

At dahil barangay election na bukas - handa na ba kayo sa salpukan ng mga kandidato? Akala mo pang senado ang eleksyon kung mangampanya ang mga kandidato. Kanya-kanyang rendition ng kanta at pakulo. Malupit n'yan, sa ibang lugar sa pinas, ang taas ng barangay election related death counts. O di ba? Pati sa pinakamababang pwesto sa pulitika nuknukan ng dumi talaga. Iba talaga kapag kapangyarihan na ang pinag-usapan. Kahit saang antas, applicable pa rin talaga ang term na "dirty" politics.

On the lighter side of the election, nakakatawa din naman talaga ang ibang kandidato. Specifically 'etong dalawang kagawad wannabes na natisod ko sa facebook. Kung ikaw papipiliin, sino sa kanila ang kagawad na karapat-dapat sa barangay mo?

Click to enlarge

In fairness kay Mr. Bing (ewan kung sinadya n'ya 'yan to sound like Mr. Bean) meron talagang PLS. sa taas ng VOTE. Nakikiusap naman s'ya ng maayos para maiboto. On the other hand,  si VER naman medyo desperado na sa boto kaya wala ng please-please, rekta na agad na "Pagbigyan n'yo na ako!!!!" - daming exclamation points no?

Sa slogan ni Mr. Bing, nakaramdam ka ba ng security? Biruin mo s'ya na lang daw mismo ang haharap sa problema n'yo. Wala ka ng gagawin kundi punwesto lang sa likod n'ya. HANEEEP. Kay Ver naman, nakaramdam ka ba ng determinasyon? Fire of determination sa mga linyang "5 beses na akong natalo..." pero heto pa rin s'ya at sumusubok sa hamon ng kandidatura. Ibang klase.

Oh well, only in the Philippines 'yan mga kaibigan. Hahanga ka talaga sa creativity ng mga pinoy. Pero sa totoo lang, kahit ano pa 'yang slogan o jingle na gamitin nila - sana lang malinis ang intensyon nila sa pagtakbo kahit pa kagawad lang 'yan. Malaking bagay ang peace and order sa isang lugar so I wish they all have the best intentions at di lang kumandidato for the position and funds. Sa pagtatapos, let's see paano nagreact ang mga kabarangay ni Mr. Bing sa kanyang "talikod pose" poster.

Ayos!
Vote wisely mga friends and happy election day!


No comments:

Post a Comment