Thursday, March 31, 2016

Dear Peppa

Peppa pig dog
Dear Peppa,

Welcome to your new home! Alam ko magugustuhan mo sa bahay namin dahil marami kang magiging friends dito. Alam mo naman ang bahay namin - parang animal shelter na din, he he. 

Wednesday, March 30, 2016

Kalungkutan Playlist

Minion: "Sana ako na lang ulit..."
Alam mo 'yung moments na feel na feel mong mag senti? 'Yung trip mo lang tumunganga sa kawalan kasi sobrang bigat ng loob mo? 'Yung tamang pakiramdam ng purong kalungkutan dahil ramdam na ramdam mo na mag-isa ka lang sa mundo? Oh yes, heto 'yung mga panahong bagong hiwa ang puso mong sumubok na namang magmahal - ngunit as expected, muli na namang nasaktan. Aray...

Ang sarap mag soundtrip during these times, di ba? At salamat sa technology, isang salpak lang ng earphones sa tenga mo at kahit nasaan ka pa, mapa byahe, mall, o eskwela, meron kang escape. Di na kailangang magkulong sa kwarto para mag-senti dahil para ka na ring may private melancholic sanctuary habang naka earphones at para bang hiwalay sa maingay na mundo. Sabi nga ng kanta - salamat, musika. So ano ba'ng nasa Kalungkutan Playlist mo?

Tuesday, March 29, 2016

Ronscreens: Hele sa Hiwagang Hapis

Sino ba namang di matatakam sa ganyang pamagat?
Pamagat pa lang talagang kikilitiin na ang imahinasyon mo, di ba? Hele sa Hiwaga ng Hapis (A Lullaby to the Sorrowful Mystery) is the latest movie from the unorthodox director Lav Diaz. It won the Silver Bear: Alfred Bauer Prize at the 2016 Berlinale bago pa man ito ipinalabas sa bansa na 'tin, which sadly, is becoming the trend nowadays. Mauuna munang ma-recognize ang isang pelikulang pinoy elsewhere bago pa mapansin ng mga pinoy.

Anyway, this is my first Lav film so I will review this film mula sa mata ng isang manonood na freshman sa Lav Diaz 101. I heard about the man's reputation sa pagiging experimental so let's see kung kaya ko bang sakyan ang Lav Bus *wink*.

Friday, March 25, 2016

Learning to Agree to Disagree

Pilot epsiode starts on May 9. 2016 sa PTV 4
Umay na umay ka na ba sa kaliwa't kanang pukulan ng baho ng mga presedentiables? Umaapaw na ba ang facebook wall mo ng kung ano anong propaganda at black proaganda ng bawat kandidato? Kung oo, well, good luck dahil hangga't wala pang eleksyon, siguradong crunch time ang bawat partido sa pagbabango ng pangalan nila habang pinapabaho ang pangalan ng iba,

Thursday, March 24, 2016

Ate, Ate.. Anyare? (Chapter 4: Ang Tamang Daan)

Babala: Bawal Tumawid Nakamamatay!
Haaay sarap! Semana santa at mahaba-habang bakasyon na naman tayo mga kaibigan. Mukhang magandang timing ito para ipagpatuloy ang ating epic pinoy zombie apocalypse adventure. Para sa mga ngayon pa lang makiki-join sa ating adventure, heto ang link sa nakaraang kaganapan sa ating istorya:

Ang Nakaraan...

With that, we now proceed to our heart-pounding, nail-biting, Ben Tumbling zombie apocalypse fiction!

Tuesday, March 22, 2016

Picture of the Day: My Daily Breakfast Scenario

FEED US, HUMAAAAN!
Isa sa mga perks ng pagkakaroon ng mga alagang pusa ay ang pagkakaroon ng kasama sa hapag kainan mapa agahan, tanghalian, meryenda, hapunan, o midnight snack man 'yan. Kung inaakala mong mag isa ka lang sa hating gabi habang dahan dahang naghahanap ng makakain sa ref - nagkakamali ka. May mga kumikinang na mga mata ang nagmamatyag sa'yo at handang magkalabit-penge kapag nakakuha ka na ng fudams. Indeed, napakasaya ng buhay sa piling ng mga "balbonic" persian beauties na 'to. Always beautiful.. always hungry!

Monday, March 21, 2016

Ang Idol sa Cebu Pilipinas Debates 2016

Binay, Duterte, Poe, and Roxas
Napanood n'yo na ba ang presidential debate kahapon? Grabe. Kudos sa TV5 for hosting this event na talaga namang intense! Kung di mo pa napapanood, here's a link with TV5 pre-debate discussion. After mo manapood, balik ka dito sa post na 'to para makilala mo ang tunay na IDOL sa debateng ito.



As expected, lahat ng kandidato palaban. Talagang di papayag di masapawan. May time ngang akala ko sasapakin na ni Grace Poe si Binay, eh. Si Duterte naman at Mar parang mga torpeng manliligaw kung magpahaging sa isa't isa. Pero sa napanood ko kagabi, kanino ba talaga ako humanga ng todo?

Friday, March 18, 2016

The Liza Soberano Gallery

So nakita ko sa Facebook ang isang fan art na 'to. It's from the group Guhit Pinas and made by Mr. Daren Dorol. Sketch s'ya ng isa sa pinakamagandang mukha ngayon sa TV na si Liza Soberano (Exhibit A). Now, bago pa ang lahat I have nothing against the sketch, eh ano naman kung di gaano kamukha? 'Yung iba nga d'yan pag nagsketch ng mukha parang paa yung kinakalabansan. Point is, kung ikaw si Liza at nakita mong inisketch ka ng isa mong fan, malamang matutuwa ka kahit di ito mala Michael Angelo 'di ba? Apparently, medyo nagtrending ang sketch na 'to pero kebs lang at nagpatuloy lang ako sa aking paglalakbay sa masukal na gubat ng world wide web. Di ko ineexpect ang susunod na matutuklasan ko...

Exhibit A

Wednesday, March 16, 2016

Ate, Ate... Anyare? (A Pinoy Zombie Apocalypse Fiction)

In celebration sa ika-100 entry ko dito ronflakes gusto kong sumulat ng isang kakaibang entry. Isang fiction! Isang fictitious story na pagsasama-samahin ang pinakamalulupit na panagalan sa iba't ibang industriya. Ito lang ang kwentong hindi pwedeng ikahon sa iisang genre lang dahil meron s'yang action, suspense, drama, comedy at bold love story.

At dahil fiction lang ito, LAHAT ng mga characters dito (kahit gamit ang real names nila) ay pawang bunga lamang ng aking malikot at makulit na imahinasyon. Parang spoiled brat na epileptic sa kakulitan at kalikutan. Any materials used are credited sa kung sino man ang may-ari. SO, di na ako magpapatumpik-tumpik pa at simulan na natin ang unang kabanata ng ating malupit na nobela na pinamagatang: Ate, Ate... Anyare? Enjoy!

Si ate zombie habang kumakain ng brainsss

Tuesday, March 15, 2016

Ronstrip #1: The Wife Trap


...and with this, due to insistent public demand, I officially end my laziness hiatus sa pagsusulat sa blog na 'to. Ladies and gentlemen. Welcome back to Ronflakes! It's nice to be back!