Wednesday, April 3, 2013

The Coffee Bean Worker

Lito Lappy with the Swirl Card
Opo, dito na ako sa Coffee Bean nagtatrabaho.

Sa isang Coffee Bean dito sa Alabang Town Center. Can't complain dahil ayos na din ang dampi ng aircon sa balat habang lumiliyab ang daigdig sa labas sa sobrang init. Hirap minsan sa araw sobrang PASIKAT eh. Anyway, dito ako ngayon nagtatrabaho dahil walang wi-fi sa bahay at medyo marami-rami akong kailangang tapusing trabaho. At least dito cozy at in fairness, maganda ang sounds.

Napabili na rin pala ako ng Swirl Card nila sa abot kayang halaga lamang. Unlike sa Starbucks, unlimited na ang internet galore mo sa Coffee Bean once meron ka nitonng card na 'to. Sulit na rin if you ask me kasi kahit saang branch pwede mo na s'ya gamitin. Pwede ka ng mamaalam sa Netopia at kung saan-saan pang de-metrong internet tambayan! Di talaga ako pala-punta sa ganitong mga lugar pero I think times like this, these coffee shops SLASH internet shops SLASH tambayan SLASH kainan come in handy. Hindi po ako binayaran ng Coffee Bean para sa post na ito, pero I just appreciate 'yung unlimited internet access nila once na makabili ka na ng card nila - for LIFE. Ano ka ngayon Starbucks?

Ito na yata ang pinakamatagal kong pag stay sa isang coffee shop. Usually napapadpad lang ako dito dahil sa mga kaibigan o kaya naman paminsan minsang gustong ipamper ang sarili. Para sa'kin kasi I still feel funny when I'm in places like this. Iba't ibang paandar ng tao kasi nakikita ko. Well, nakalimutan kong nasa Alabang pala ako at wala sa Tondo. Iba pa rin talaga kasosihan ng mga tao dito no? Alam mo 'yung natural na sosyal? 'Yung kahit gulatin mo, english pa rin ang expression at hindi "AY, KABAYO!" o kaya "AY, <INSERT MALASWANG BODY ORGAN HERE>!"

Meron pa rin talagang mga kupaloids paminsan minsan. 'Yung tipong ang lalakas ng boses kahit kaharap lang naman 'yung kausap at nasa 100th level ang kakonyohan. Usapang bumili daw s'ya ng ganito ng ganyan, nagpunta daw s'ya sa ibang bansa ek ek, PAKSYET ang ingay! Di nga ako maka-concentrate sa ginagawa ko dahil sa malakas na hanging habagat na humahampas sa'kin mula sa di kalayuang mesa. NAPAKALAKAS na hangin sa kayabangan. Ultimo ibang tao napapalingon at napapailing na lang. Well, it can't be helped, it's a public place kaya bawal maging choosy. Hay, sana naman magka-internet na sa bahay dahil wala pa ring mas gagandang office space kundi sa bahay. Home is where the heart (and comfort) is.

Ayan, medyo intermittent na ang internet connection. Nakahalata na yata ang management ng Coffee Bean na kanina pa ko dito, hehe. Buti na lang I'm done with work stuff. I guess this is my signal to sign-off. Ciao!


1 comment: