Tuesday, May 28, 2013

And The Most Promising Recording/Performing Group Goes To...

Gagandang lalake ano po?
Matiwasay ako ng nagbo-browse sa facebook. Taking my time, basa basa ng posts at nagrerelax lang. Nang biglang nabasag ang aking katahimikan ng utak ko sa isang post na nabasa ko.

According sa 44th Guillermo Mendoza's Box Office Awards, the most promising recording/performing group of 2013 is no other than... CHICSER.

Hanggang sa mga oras na 'to habang sinusulat ko ang blog na 'to nakasalubong pa rin ang kilay ko at naduduwal sa nabasa. Talaga? Chicser? Sila ang pina PROMISING? So nagsaliksik ako. Baka naman when they say group, it means boy band ganon, so wala na nga namang choice kasi sila lang naman yata ang sikat na boy band ngayon sa Pinas. Well, "sikat" is a very relative word. ANYWAY, guess what? Kung sila ang most promising, ang most popular recording/performing group naman ay Spongecola. Napalamukos ako ng mukha! Ibig sabihin pwedeng banda pala ang manalo sa category na napanalunan ng Chicser. I can name 10 bands na kayang ilampaso sa sahig yang Justin Bieber-KPop hybrid Chicser na yan eh. Di ko kilala si Guillermo Mendoza pero malamang naka face-palm din s'ya ngayon (kung nasaan man s'ya).

Well, di na ko magtataka kasi ang nanalo naman sa most promising male star ay si Daniel "Neseyo ne Eng Lehet" Padilla. Iisa ng hulmahan yang Chicser at si Daniel so no wonder. At least si Daniel Padilla talagang sandamakmak ang naghuhumiyaw na fans kaya maiintindihan ko pa na mahina ang mga competition n'ya. Eh ang Chicser? Competition n'ya lahat ng aspiring bands ng Pinas, don't tell me dinaig pa nila lahat 'yon? Napanood ko na sa TV 'tong mga pakyut na 'to eh, parang may kung anong pagkamuhi ang gumapang sa pagkatao ko habang pinapanood ko silang nagpapaka feeling K-pop sa stage. BASURA. Kung ganito na talaga ang tipo ng grupo na gusto ng tao ngayon malamang ito na ang tinatawag nilang DOOMSDAY.

Nakakalungkot. 'Yung mga ganitong awarding bodies pa naman sana ang makakatulong ma-promote ang OPM. I mean 'yung totoong Original Pilipino Music hindi 'yung bullshit music na sisikat lang dahil sa artist. If we continue this trend, it will all be downhill from here. So para sa Chicser, eto ang video ko para sa inyo. Enjoy!




3 comments:

  1. pwedeng magmura sa comment???? ay huwag minor ang mga babanatan ko. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! eto try mo http://www.youtube.com/watch?v=k8FUiO0ng5o - yan ang mag mature na hitler reaction sa chicser

      Delete