Saturday, July 6, 2013

Candy Crush Unlimited Lives

All those sleepless nights...
So here it goes - ang pinaka-iingatang lihim sa likod ng larong Candy Crush Saga finally revealed! Posible nga bang magkaroon ng unlimited lives sa Candy Crush? Pwede bang dumating ang araw na di mo na kailangang magsend ng life requests sa mga kaibigan (at di gaano kaibigan) sa Facebook para lang magkaroon ng additional lives? Oh yeah.. kahit mga taong limang taon mo ng di nakakausap ay dito mo lang matatagpuang kumakatok sa pintuan ng iyong puso para manlimos ng lives - and vice versa of course.

Well, the legend is TRUE. Not sure kung alam na ng karamihan 'to but judging from the number of Candy Crush life requests I get - parang hindi pa s'ya general knowledge. Last time I checked this technique still works so walang sisihan kung di gumana bigla sa inyo, hehe. Di ko sana ise-share ang "technique" na ito pero since di na namin masyado nilalaro ni misis ang Candy Crush, pwede ko na s'ya ngayong ipasa sa susunod na henerasyon ng mga adik players ng Candy Crush. So behold! Ito na ang secret for "eternal" lives sa larong ito.

No need to be online to do this first technique. Gagana s'ya kahit sa offline mode. Okay, ano ba'ng requirements?
  1. Candy Crush app sa cellphone
  2. Konting kaalaman sa pag-adjust sa settings ng cellphone mo
  3. Naranasan ng maubusan ng moves na isang jelly na lang ang kailangan basagin (optional)
Okay, di po kailangang naranasan n'yo ang requirement no.3 pero it helps kasi alam mo yung pakiradam ng bwiset at galit pag natyempo ka sa pagkakataong ganon. Wala lang. So on with the tutorial.

Isa sa pinakamalungkot na pusong makikita mo sa buhay mo
Let's say ubos na ang 5 lives mo. Na-stock ka na ng limang linggo sa isang stage na di mo na yata malalampasan. Kung kelan ka nagka momentum - kailangan mong mag-hintay ng ilang oras para mapuno ang 5 lives mo. NOT ANYMORE. Di mo na kailanganin problemahin ang oras. In fact, 'yan ang gagamitin nating elemento sa unlimited lives technique natin. 

Next step, pumunta sa settings ng cellphone mo. Sa settings, i-advance ang oras ng cellphone mo to trick Candy Crush na tapos na ang time limit n'ya to replenish your 5 lives. O di ba? Parang dinugas lang natin ang Candy Crush na madaliin ang pag-produce ng lives. You can do this by adusting your time o kaya para mas madaling ibalik sa normal, just adjust the day. Halimbawa, naubusan ka ng lives ng July 6 (Saturday) - i-advance mo ang date mo to July 7 (Sunday) and BOOM! Lives restored. At least mas madaling ibalik sa tama ang date kesa naman paulit-ulit mong i-adjust time mo tapos malito ka na anong oras na ba talaga.

Duga-dugas din pag may time. Time Space Warp - ngayon din!
So there, pero may isa itong downside. Since inadjust natin ang oras/date ng cellphone mo, any messages o call na matanggap mo during the advanced time will be time stamped as the advanced time. Meaning, kapag binalik mo na sa normal ang oras/date mo - 'yung message na natanggap mo habang advanced yung date mo ay mananatili pa rin sa advanced date state. So para kang may message galing sa future, hehe. Kasi magkakaron ka ng message na time stamped ng July 7 kahit July 6 pa lang. Medyo messed up lang sa inbox pero understandable naman why it happened. So just use this technique with that little "side effect" in mind.

Are we clear?
Technique number two involves online activation naman sa Facebook. Dapat synchronized ang Candy Crush mo sa Facebook at sa cellphone mo. Medyo mas tricky pero wala ng masamang epekto sa time/date settings ng cellphone mo. Una, kailangan mong pumunta sa settings ng cellphone mo. Then, go to Applications. Hanapin ang Candy Crush app. Press Force Stop at i-clear ang cache and data nito. Tapos i-open ulit ang Candy Crush na game while may internet connection. Sa opening page ng Candy Crush, i-click ang synchronize button sa lower right corner ng page (pero alam ko automatic naman s'ya magsi-synch as long as online ka). This will synchronize your cellphone game progess with your Facebook game progress. After mag-synch - BOOM! Meron ka na namang 5 lives in your current level. Medyo mas masalimuot pero you can do this everytime mauubusan ka ng lives.

As a bonus, may isa pa akong technique na ituturo. Natutunan ko lang 'to kay misis na natutunan n'ya rin sa isa n'yang friend na natutunan din sa kauna-unahan pa n'yang madudugas na ninuno. Ito 'yung tipong sa simula ng isang stage (except sa stages na may time limit) pwede kang bumalik sa mapa without losing lives! I think some players know this already pero for the benefit ng mga di pa nakakaalam, after seeing the layout of the candies sa isang stage at tingin mo panget ang layout (without touching any candies) just press the back button and you're back on the map na walang kaltas ang buhay. Keep doing this "silip" technique hanggang makakita ka ng ideal layout ng candies and then that's the time you actually play the stage. Sana nagets n'yo.

Ayos! Sana walang developer ng Candy Crush Saga na makakabasa nito para magamit ninyo ang exploit na ito forever. Nawa'y nakatulong ako sa mga taong ginawa ng panata ang paglalaro ng Candy Crush. Laging tandaan na isa sa pinaka effective na paaan para dumami ang lives ay ang pagdami din ng kaibigang mahihingan ng extra lives (kailangan mo nga lang maging online). So with that in mind, mas maraming kaibigan - mas maraming buhay. Makes sense di ba? Mas maraming kaibigan - mas masaya ang buhay. Maligayang pandurugas kaibigan!


No comments:

Post a Comment