Thursday, July 11, 2013

Pilipinas: Balat Sibuyas

So nabasa ko na nanggagalaiti na naman ang ibang pinoy dahil sa pinalabas ng Warner Bros. na promo image from the movie Pacific Rim. Ito po 'yung image:

In tagalog - Jumbo ebak ng halimaw sumemplang sa Manila
Dahil nga nasa Pacific tayo malapit, isa tayo sa naging kubeta ng isang monster sa movie. Offensive daw 'to since parang bakit Pilipinas pa? Bakit di na lang fictional na lugar? Bakit daw kapag madumi at mabaho doon laging nai-incorporate ang pinas? Ganon din nangyare sa Bourne Legacy, sagwa daw ng mga pinakitang areas sa Manila. Sa new book naman ni Dan Brown, sinabing ang Manila ang "gates of hell". Well, ang masasabi ko lang - minsan masakit talaga ang totoo.

Unang punto. HELLO! Isa pong fictional movie ang Pacific Rim, same goes with Bourne Legacy at Inferno. Bakit ba napaka defensive natin pagdating sa ganitong bagay? Sobrang hostile! Pangalawang punto: Wala bang basehan ang mga author at directors na ito sa pag-depict sa pinas? Minsan kasi nawawala sa lugar ang pagiging nationalistic natin. Sobrang wala na sa lugar nagiging hypocrites na tayo. Inuuna natin ang ma-offend kesa pag-aralan kung bakit nga ba tayo nasabihan ng ganon o nakumpara sa ganito. Sure we want the world to see Philippines na sobrang ganda tulad ng mga nasa music video ng It's More Fun in the Philippines - pero wouldn't it be MORE fun kung ayusin natin ang mga bagay na sa tingin natin ay nagpapapanget sa pinas? Alam ko mayadong heavy  pero it will all start sa isang bagay lang - ACCEPTANCE.

Huwag na tayong mag-deny. Sa dami ng depressed area sa Manila at katakot takot na krimen - hindi pa ba pwedeng mabansagan itong "Gates of Hell" idiomatically speaking? Okay, naiputan ng giant monster ang Manila - SO WHAT? Does this mean marumi ang pinas? Kung ikaw ay natataeng giant monster sa Pacific Rim at kailangan ng jumebs - magiging choosy ka pa ba? Geographically, may sense naman bakit bansa natin ang na-extra sa shot na 'yun. Minsan kasi pinalalaki natin ang pagka liit-liit na mga bagay. Some might disagree pero I know for a fact na kung alam lang ng mga international bodies na sobrang sensitive ng Pilipinas,  they won't bother mentioning us sa mga pelikula o books nila. Moreover, asa pa tayong magsho-shoot pa ulit sila ng Hollywood movies dito kung asar-talo tayo. Huwag sanang ganon. Kita mo nga Beatles, di na umulit sa Pilipinas mag gig sa sobrang phobia sa pinas. Ganyan nakakatakot ang image natin sa kanila. Mas nakakatakot pa sa kahit anong halimaw sa Pacific Rim.

Kaya please lang, kung mahal natin ang pinas, huwag tayong pikon. Instead, let us take these criticisms positively para mag-improve. Tanggapin ang mga dapat tanggapin at ayusin ang mga dapat ayusin. Kapag nagawa natin 'yan, malay n'yo, di malabong sa Baguio na i-shoot ang next installment ng The Hobbit, hehe.


1 comment: