Tunay ngang napakalayo na ng narating ng ating mga pulis pagdating sa teknolohiya. Sino ba namang mag-aakalang darating ang araw na di lang natin napantayan ngunit NALAMPASAN pa ang ibang mga bansa sa paggamit ng modernong kaalaman sa pag re-recreate ng isang scenario gamit ang mga makabagong gadgets na dito lamang sa Pilipinas matatagpuan.
Sa sistemang ito, makikita ng sobrang linaw at detalyado ang mga bawat anggulo sa isang crime scene. Isang halimbawa na nga itong ipapakita ko sa inyo na napulot ko from Creative Manila. Ito ay isang demo ng isang car collision na talaga namang ako'y namangha sa sobrang pagka high tech! Mahihiya sina Steven Spielberg at ang iba pang Hollywood special effects director sa husay ng pagkakagawa ng demong ito. Halina't panoorin natin.

Hindi ba't nakakapangilabot sa ganda ng pagkaka-demo? Sobrang galing! Di na kailangan pa ng kung ano ano pang 3D glasses na 'yan sa sobrang pagka-realistic ng pagkakagawa ng re-enactment. Siguradong lutas lahat ng road crime mysteries sa makabagong teknolohiyang ito.
Isa pa, biruin mo, pati kotse sa Pixar movie na Cars na milyon milyon ang kinita sa takilya eh naisali nila sa kanilang demo. YES. Ganon kalaki ang budget nila. IMBA talaga.
*slow clap* *standing ovation*
ReplyDelete