I would just like to share my wife's heart felt letter to her 15 year old dog (105 dog years) na kakamayapa lang this Friday. I myself witnessed kung paano mahalin ni Judy at ng family n'ya ang asong nakasama nila mula pagkabata hanggang sa ito'y naging lolo na - si Chu Chu. Nakakalungkot talaga mawalan ng isang alagang naging sobrang malapit sa'yo at hanggang sa huli ay kapakanan mo pa rin ang iniisip.
Let's read Judy's open letter to his ever loving dog, Chu Chu:
Taong 1998 nung una tayong nagkita. Pagmamay-ari ka ng kapitbahay namin na hindi alam kung pano ka iiwan kasi maga-abroad na sya or uuwi ata sya nun ng probinsya..Di ka nya maisasama sa pupuntahan nya, tpos nakita ka ng kapatid ko, grade 5 s'ya nuon,2nd year HS naman ako.. Hiningi ka nya kay ate at dun na nagsimula ang ating magandang samahan.
Ang liit liit mo pa 'nun, ang kulit kulit mo.. andun yung nadaganan ka pa ng kahoy na pilit mong inaabot pra makalabas,ayun natumba.. nadaganan ka (sobra kang umiyak nun..magdamag kasi ang sakit ng paa mo)
Ikaw ang nging living doorbell namin, konting may nag *tao-po* lang rinig na ng buong sambayanan ang magiting mong tahol & tong kumatok napapa-atras sa kahol mo.
Natatandaan mo pa ba nung nakakawala ka nun sa kalsada natin pag tumatakas ka? Nagtatago ang lahat ng kapitbahay natin dahil sa takot sayo... yung mga bata nagsisiakyatan sa sasakyan, upuan, gate, at kung saan saan pa dahil nagtatakbo ka na namang parang nakawala sa koral sa excitment.
Actually, ang dami mo ngang naging friends e, andun yung nameet mo na yung elementary, HS, college classmates ko... pati officemates ko na-sight ka na din (kaw na sikat =p )
Ngayon,hanggang sa huli mong sandali kahit matanda kana..at nakakaramdam ng sakit, di ka pa rin tlga nakakalimot sa ritual mo na salubungin ako at sabay kawag buntot.. kahit hirap na hirap ka ng tumayo, kahit na ansakit sakit na, iniinda mo yun para lang maparamdam sakin na masaya ka sa pagdating ko. Natotouch ako dun alam mo ba yun? Kaya nga kahit sa pag uwi ko, gusto ko magbobonding muna tayo bago ko matulog para maparamdam ko din sayo na love na love kita. (pabaon ko 'yan sayo)
Nakita na kitang nahihirapan sa sakit mo, at dahil matanda kana di mo na kinakaya.. Nasuggest na sakin na ipa-euthanize ka kasi di kana komportable, hirap kana.. 'nung una ayoko pa kasi nakakaguilty naman yun diba? Iinjectionan tapos di kana magigising? (super sakit nun para sakin) pero sabi nga nila mas magiging okay ka na dun.
Na-witness ko naman yung pinakaworst condition mo this past few weeks kaya narealize ko na ayaw na kitang mahirapan..ganun pala yun noh? Masakit makakitang nahihirapan yung mahal mo sa buhay..ayun naka set ka na bukas para sa ikagiginhawa mo pero dahil nga mas mahal mo pa din ako inunahan mo na ko kaninang umaga.. madaya ka nga lang kasi kung kelan ako umalis lang saglit (alam mo na sa kapakanan ng kapatid mong cats) tsaka mo piniling magbabay na. Di mo na siguro pina feel sakin yung maguguilty pa ko sa procedure na gagawin sayo kasi alam mong yan yung iniiyak ko isang linggo na. Hanggang sa huli napakabait mo pa rin sakin.
I LOVE YOU CHU hinding hindi ka namin makakalimutan.. magkasama pa rin naman tayo diba? dun na yung himlayan mo sa future house namin ni luvski. (kitams nauna ka pang tumira samin 'dun) Babantayan mo palagi mga sis cats mo ha? Ingat ka dyan and alam ko happy kana.. no more pain, no more tears...

love you bebe chu.. dipa din ako sanay dko na ndidinig tahol mo... i miss u
ReplyDelete