Wednesday, June 5, 2013

Dear Vice Ganda

Dear Vice Ganda,

Hi, kamusta na? Sana medyo recovered ka na sa bashing at mga batikos sa'yo. Parang naririnig ko na ang sagot mo sa tanong kong "kamusta ka na?" and it goes a little bit something like this:

"Kamusta ako? Matapos ako mayare ng mga tao dahil sa jokes ko? Nako, okay na okay ako! Tuwang tuwa nga ako kasi ang daming nagalit sa'kin. Gusto ko pa ngang mag joke ulit eh, 'yung mas matindi! Para kay presidente kaya? Kay Pope? Nako ang saya saya ko talaga! OKAY na OKAY sa pakiramdam! WOOHOOO!"


Pero siguro di ka muna makakabanat ng ganyang sarcastic na sagot ngayon. Alam ko medyo napuruhan ka this time, eh.

"Napuruhan? Di ba pwedeng na-hurt lang muna?"

'Yan! 'Yan ang mga pauso mong banat dati. Parang bawat patawang lumalabas sa bibig mo ay batas na bawal ang di matawa. Kapag di ka matawa - corny ka. Sa umpisa nakakatawa naman talaga. Fresh pa kasi. Nahaluan ng konting lait at kabastusan. Okay pa din, unless ako na 'yung nababastos o nalalait for the sake makapagpatawa ka. Eh, ganun naman talaga yata lalo na sa comedy bars, tanggap nang may malalait at mababastos para makapagpatawa. Isa na s'yang tanggap na fact.

WRONG!

Pwedeng makapagpatawa ng di nanlalait at nambabastos. I believe 'yan din ang paniwala nina Vic Sotto at ng comedy king himself - Dolphy. Sabi ko nga, baka nakakatawa ang banat mo noon kasi nga "fresh" pero as time goes by, (as the line goes) it's not funny anymore.  Napanood mo naman na siguro sina Vic Sotto saka sina Jose Manalo magpatawa di ba? Malinis pero luluwa bituka mo kakahagalpak sa tawa. Alam mo sa nangyare, kahit yata si Ryzza mas magaling pang komedyante kesa sa'yo. Kasi s'ya magalang.

Hindi ako direktang naiinis sa iyo, Vice. Alam ko isa ka lang medium ng pagpapatawa. Not sure if you even write your own materials pero ang sigurado ako meron ka namang say sa mga bibitawan mong jokes di ba? Gets kong jokes are jokes. Nasa lugar-tawanan tayo kaya walang pikunan. Pero sa napanood kong footage sa youtube ng rape jokes mo, ang daming minors! Mga batang di pa dapat nakakarinig ng mga ganyang level ng kabastusan! Di ko rin naman alam sa ABS CBN bakit hinayaan 'yung ganung materials na lumabas kahit may mga bata sa crowd. Irresponsible.

Okay Vice, alam ko medyo ngarag ka pa pero sana may natutunan ka sa mga nangyare, okay? Ang lesson, sa susunod, bawasan na ang hilig sa hitting below the belt (if you know what I mean). JOKE!


Concern lang,
Ronski


No comments:

Post a Comment