Saturday, September 21, 2013

The Birthday Getaway to Acuatico! (Part 2)

Inside our pool side room
So nauna na nga kami ni Judy sa kwarto. Si Ron ay nag si-sight seeing pa din sa labas kaya for now, sana  maka-diskarte na 'ko kay Judy, hehe. Feeling ko talaga mutual ang feelings namin, eh. Ang dami kong ka-tropang minions pero talagang ako pa ang pinili n'yang isama di ba? Well, technically si Ron ang nagsama sa'kin pero for all we know baka si Judy pala may suggestion 'non. ANYWAY, heto ang sandamakmak na gamit namin sa ibabaw ng kama (hanapin n'yo ko! hihihi...)

Friday, September 20, 2013

Friendster Memories (Part 2)

Part 2 ng mga ilang inaagiw na articles ko written noong Friendster era. Yup, noong mga panahong estudyante pa lang si Mark Schurzerhbvergzzz - basta, 'yung founder ng Facebook. Nasulat ko 'to noon out of frustration sa isang kaibigang "muntanaga" na sa isang relationship. This goes out to all the GOMBURZA ladies out there!

Parang gusto ko ng maniwala na mas mataas talaga tolerance ng babae compared sa lalake pagdating sa pain. And I'm not just talking about physical pain - but emotional pain.

I am sure may kakilala kayo na the day before iyak ng iyak kesyo di na nya kakayanin trato sa kanya ng bf nya, na she deserves better, etc. Mababakas mo ang poot nya dahil pati sa facebook, twitter o friendster (sumalangitnawa) binroadcast nya ang SAKIT ng nararamdaman nya. Yeah, for all the world to see. Pag nakakakita ako ng mga ganyang status sa facebook I always read them as if the author is screaming at the top of her lungs (NO, not "what's going on"). Paano, sa totoong buhay di nya mailabas ang sama ng loob nya kaya sa cyber life na lang sya nagsisisigaw. Mas madali pero unrealistic.

Sunday, September 15, 2013

Goodbye, Ashong...


Today is a sad day. My favorite cat Ashong just passed away 30 minutes ago.

An hour ago nagmamadali kami sa pag uwi dahil nagtext si mama na parang bumabagal na ang paghinga ni Ashong. This past few week kasi medyo naging maraming sakit si Ashong. Nandyang parang may UTI s'ya tapos a few days ago parang naduduwal na hindi naman mailabas ang gustong ilabas. Ilang beses na rin kaming kumunsulta sa ga vets, dinadayo pa namin kahit malayong vet para lang maipagamot si Ashong. Pero baka nga though it may seem too early, it's his time.

Wednesday, September 11, 2013

The Birthday Getaway to Acuatico! (Part 1)


Hi, ako nga pala si Tim Giggle Grabber. Tim na lang for short. You might remember me sa pelikulang Despicable Me and sa Mcdo collectibles na nagpa-baliw sa maraming pinoy. Today, I will share sa inyo ang isang documenrary na ginawa ko kasama ang dalawang taong malapit sa aking puso - sina Ron and Judy. Malapit sila sa akin dahil of all the minion toys na nakuha nila from Mcdo, ako ang napili nilang "starring" sa dokyu na ito. Sweet no? Biruin mo ako ang bida samantalang si Ron ang may birthday - hanep!

So here it is, the birthday getaway documentary with Ron and Judy.