Friday, February 28, 2014

Misteryo ng Universe #7: Let it Go


It's all over the place! Ang kantang mula toddler at matanda ay kinakanta kahit matagal ng wala sa sinehan ang pelikulang Frozen. The song Let it Go na pambansang awit ng mga bata ngayon. And why not? Ang ganda ng song - very catchy saka parang Katy Perry ang datingan 'nung unang napakinggan ko s'ya. (UPDATE: It even won sa Oscars so 'san ka pa?)

Pero naman...

Parang mikrobyong kumalat sa sanlibutan ang kanya-kanyang rendition ng kanta! Iba't ibang language, tyempo, at kung ano ano pa. Siguro noong una natutuwa pa ako eh, pero after a while, parang nakakaumay din pala kapag paulit-ulit no? Kawalang gana. Merong ethnic, multi-dialect, at meron pang beki version. Anong misteryo ito na parang lahat ng tao ay gustong gumawa ng sarili nilang version ng Let it Go? Sigh, why can't they just let it go?

Saturday, February 15, 2014

Pinas Balentayms 2014


Hello! Matagal tagal din ako umabsent sa pag-post kaya susulitin ko ang pagkakataong ito. At ano pa nga ba ang perfect day para mag-post ng update? Valentine's day!

An hour from now balentayms day 2014 comes to an end! YAY!!! Masaya ba ang araw mo? Saan kayo namasyal? Anong gift n'ya sa'yo? Saan kayo kumain? Nanood ba kayo 'nung bagong pelikula nina Piolo at Toni? Ilang couple selfies ang nagawa n'yo today? Kota ba? Well, tayong mga pinoy talaga malupit ang pagrecognize sa araw ng mga puso. Big deal kumbaga. Pero paano kung wala kang partner this special day of love? Hay.. huwag ka malungkot at di ka nag-iisa. 'Yung grupo ng malalamig ang pasko malamang sila pa rin ang tropang malamig ang valentine's day.

Monday, February 10, 2014

Dear Tado

Dear Tado,

Kasama ng matamis na alaala ng aming Sagada adventure and malungkot na balita ng iyong pagpanaw. Happy trip sa'yo Tado - maraming salamat sa mga alaala. Rakenrol pa rin saan ka man ngayon.

Apir!
Ronski