Saturday, February 15, 2014

Pinas Balentayms 2014


Hello! Matagal tagal din ako umabsent sa pag-post kaya susulitin ko ang pagkakataong ito. At ano pa nga ba ang perfect day para mag-post ng update? Valentine's day!

An hour from now balentayms day 2014 comes to an end! YAY!!! Masaya ba ang araw mo? Saan kayo namasyal? Anong gift n'ya sa'yo? Saan kayo kumain? Nanood ba kayo 'nung bagong pelikula nina Piolo at Toni? Ilang couple selfies ang nagawa n'yo today? Kota ba? Well, tayong mga pinoy talaga malupit ang pagrecognize sa araw ng mga puso. Big deal kumbaga. Pero paano kung wala kang partner this special day of love? Hay.. huwag ka malungkot at di ka nag-iisa. 'Yung grupo ng malalamig ang pasko malamang sila pa rin ang tropang malamig ang valentine's day.

Pansin mo ba ang Facebook wall mo ngayong araw na 'to? Nako, lalanggamin monitor mo sa tamis ng mga nakasulat sa mga status ng friends mo at sweetness ng picture uploads. Kung bibigyan ako ng piso sa kada babaeng makikita ko na nag-selfie with a bouquet of flowers, malamang lang dami kong budget bukas! Para bang subconciously eh gustong gusto nilang isigaw sa world wide web na "May flowers ako! May taong patay na patay sa akin! BWAHAHAHA!". Well, that's an exaggeration of course. Pero huwag ka, I know someone na nagpapadala ng flowers sa sarili n'ya para lang masabing may nagpadala sa kanya. Scary. Seriously though, nakaktouch din sa part naming mga boys kapag proud na proud yung nililigawan/gf/wife namin sa binigay naming gift sa kanila. It may not be even flowers. Maging chocolates, stuffed toys, kikiam, o bola-bola man ito. Depende na lang sa trip siguro ng loved one (or two) mo. In my case, walang duda - mas matimbang sa asawa ko ang pagkain versus sa kahit ilang kilong bulaklak pa 'yan. Kaya natutuwa na din ako pag kinukunan n'ya ng pictures 'yung pagkain namin - appreciation lang n'ya pala 'yon (chos).

Kumusta naman ang mga malls ngayong araw na 'to? Parang batang bondat na bondat sa pagkain! Siksik na siksik! Bawat lingon ko puro pares! Boy to girl, girl to girl, o boy to boy - PRESENT! Matandang couples and batang couples - PRESENT! Mapupurga ka sa dami ng pares na makikita mo today. Pansin ko lang kahit mga super minors meron na talagang kaholding hands ha - mga naka school uniforms pa. Parang Chichay at Joaquin lang ang datingan habang naglalakad sa mall. Alam kaya ng mga magulang nila 'to? Oh well, kung yung mga anak nga ni Sir Chief pwede na makipaglandian makipagrelasyon mga batang ito pa kaya na di naman nalalayo ng edad? Sabi nga ng intro ng Toyang "They try to tell us we're too young, too young to really be in love..." Let's just hope na isabuhay nila ang motto na 'Study first before steady'.

Isa namang downside ng valentine's day ang traffic. TRAFFFIICCCC!!! Kung ordinaryong araw nga traffic valentine's day pa?! Kanina nakatayo kami sa bus para lang makauwi ng bahay. Biglang parang nawalan ng supply ng bus dito sa Las Pinas kahit di pa naman ganon kalalim ang gabi. Usually kahit nakatayo ka lang sa sidewalk hihintuan ka ng bus kahit di ka naman pumapara. Isisigaw sa'yo ng kunduktor 'yung byahe ng bus kahit nasa windshield naman nito ang higanteng signage ng byahe nila. Kapag di ka pa rin natinag may ilang segundo din kayong magtitinginan ng konduktor na para bang may elemento na ng hipnotismo o salamangka para lang sumakay ka na. Well, wala 'nun kanina. Walang wala. Balita ko nga ang pinakamalulupit na trapik ay sa Pasig, Cubao, at Sta. Mesa. Hmm... coincidence?

Hope you guys enjoyed this year's version of valentine's day. Some say na masyado daw hyped ang February 14 since pwede din naman gawing valentine's day kahit hindi 14. That may be true, at least sa Feb 13 o kaya Feb 15 di na traffic at mas mura na ang bulaklak. Sa isang banda naman, kelan ba masarap i-celebrate ang birthday mo? Pwede naman sa araw na pinaka-convenient sa'yo pero iba pa din kapag ginawa mo sa mismong araw ng birthday mo di ba? Totoo, madalas matataon sa weekday na conflict sa schedule mo pero can you make time for it? It is called a special day for a reason. Again, iba iba tayo ng approach sa bagay na 'yan pero one thing for sure, mapangayon bukas o makalawa mo pa i-celebrate ang valentine's day, make it memorable and make your special someone special happy on this very special day. Isipin mo na lang na nag-monthsary ng sabay sabay ang buong Pilipinas.

Happy love's day to one and all! Ho-ho-ho!

No comments:

Post a Comment