Tuesday, December 25, 2012

Pasko Na Santa Ko

Tahimik sa bahay namin
Ako at pusa ko na lang ang gising
Doon sa baba maraming pagkain
Dito sa taas maraming mahimbing

Dati kaming magkakapatid mahirap patulugin
Dahil excited makita ang isang panauhin
Panauhing nakapula, mataba at may balbas
Palihim na naglalagay ng regalo sa aming mga medyas

Ilang taon din kami pinasaya ni Santa
Sarap ng feeling paggising may regalong surpresa
Nakikita ko lang sya sa TV saka sa pelikula
Kaya sana kahit minsan makita ko na sya!

Lumipas ang ilang taon nag-mature na kami
Wala ng mga medyas na may lamang chocolates at candy
Pero kahit ganon kami naman ay masaya
Dahil sa wakas nakilala na namin si Santa!

Di naman pala laging naka red suit si Santa
Mas prefer nya ang white sando na favorite nya
At ang lupet pala magluto ni Santa at ng misis nya
Dahil dito kaming magkakapatid napagtapos nila

Di rin pala mukhang amerikano si Santa
Actually kayumanggi pa nga ang kulay nya
Siguro nasunog sya kaka-motor papuntang opisina
Akala ko pa naman sleigh at raindeers and gamit nya

Sina Mr. and Mrs. Claus ay laging nandyan lang
Di lang tuwing pasko pero all year round
Kaya ngayong pasko maraming salamat po
Kayo po ang THE BEST at mahal namin kayo

 Ho ho ho...
Maligayang pasko...


No comments:

Post a Comment