Kapag ang kontrabidang mayaman nasangkot sa trobol: Kakausapin ng mayamang daddy nya habang umiinom ng alak sa terrace habang nakapalibot ang mga goons. 'Eto ang mga siguradong linya n'yan:
"Di mo na ako binigyan ng kahihiyan!"
"Tatawagan ko si attorney, malulusutan natin 'to"
"Pumunta ka muna sa rest house, magpalamig ka muna 'dun"
Kapag ang bidang mahirap ang nasangkot sa trobol: Malamang pupunta agad ang ating bida sa kanyang tiyuhin sa isang depressed area para magtago. Maraming tambay, nagkalat ang bata, ganong tipo. Sa umpisa medyo tatanggi pa 'yung asawa ng tiyuhin n'ya kesyo masikip na sa bahay nila at wala na nga sila makain. Pero after a few convincing words ng tiyuhin - papayag na din si t'yang. Along the way, mapapalapit ang loob ng bida sa batang kasa-kasama ng tiyuhin n'ya sa bahay. 'Eto ang makaka-sparring n'ya sa asaran, at paminsan-minsang tampuhan.