Friday, August 30, 2013

Dear Janet Napoles


Dear Janet Napoles,

Hi... as in "Hi"-yup ka rin eh no? Sumuko ka nga pero naka aircon dapat ang kwarto. Ganyan talaga, teh? Oo, ni hindi nga selda kulungan mo eh. Kwarto na may sofa pa! Lupet mo dre! IDOL ka talaga! 'Yung isang magnanakaw na nagnakaw ng magkano lang para sa pamilya deretso sa masikip at mainit na kulungan pero ikaw na sandamakmak ang ninakaw sa taong bayan nasa malamig at komportableng "kulungan"?

OKAY. Di ka pa pala nalilitis. Isa ka pa palang suspek. Saka parang medyo na high blood ka daw at bumilis ang heartbeat mo so kailangan huwag ma-stress. Sige, fine, sa ikapapanatag ng kalusugan mo by all means, mag-stay ka sa isang comfy na lugar. Total marami ka naman ibubulgar di ba? Sige lang. Para na lang wala kang mai-excuse na kesyo nagkaron ka ng health problem at kailangan ma-confine o kung ano-ano pang bullshit na palusot tulad ng ginawa ni Arroyo. PLEASE lang, huwag mo na sana gayahin ang ganung delaying tactics. Okay lang na magpakalamig ka ngayon kasi alam naman natin na ilang taon pa na sa mainit-init ka din mapupunta.

State witness. Tama ba dinig ko kay Mar Roxas? Pwede ka daw gawing state witness? Ang sarap talaga pag-uumpugin ng ulo n'yo no? Isama mo na din si Korina. So feeling n'yo ganun na lang 'yun? Nakakainsulto naman yata sa buong Pilipinas kung di ka man lang mapaparusahan. Pakisabi sa kaibigan mong si Mar Roxas, huwag na s'yang epal. Isa pa 'yang nakikinabang sa kurakot, eh. Laging mahilig sa publicity pero alam naman ng lahat na umeepal lang. Bagay lang sa kanyang tawaging Mr. Palengke sa amoy ng budhi.

Di po ako galit. Okay, konti lang. Kasi kahit paano mabuti na ring sumuko ka. Ngayon sana lang lumabas na ang totoo at maparusahan ang mga dapat maparuahan. Wala na sanang dramahan, okay? Managot kung may pananagutan. 'Yun lang. Enjoy the aircon!

Naiinitan,
Ronski


No comments:

Post a Comment