Mga anik anik na istorya at kaalaman, malalim at mababaw na karanasan, serious stuff at kalokohan, isang paglalakbay sa mahiwagang byahe na kung tawagin natin ay buhay.
Tuesday, April 22, 2014
Thursday, April 17, 2014
Diary ng Panget (The Movie): Ampanget
Treat this as a public service entry - huwag n'yong sayangin ang pera n'yo sa pagnood ng pelikulang ito. Kung meron kayong perang pang nood ng sine, gamitin n'yo na lang ang perang 'yan sa pagbili ng siomai, burger meal, o kaya ilagay n'yo na lang sa alkansya n'yo. Tama, kahit wala kang alkansya - it's time to make one! You will surely thank me later.
Kung di mo pa napapanood ang film na ito - binabati kita. Pwede mong ma-enjoy ang lenten vacation ng walang gumugulo sa iyong isipan. Walang mga bangungot na eksena sa iyong pagtulog. Pero sa mga katulad naming napanood na ang pelikulang ito, it's too late. Ang magagawa ko na lang ay babalaan ang mga taong pwede pang mabiktima ng Diary ng Panget the movie. Sa bagay, kinokonsidera ko na lang na penitensya ang pagkakapanood ko sa film na ito. That's looking at the bright side.
Wednesday, April 16, 2014
Picture of the Day: We're in Abbey Road!
Salamat sa kaibigan kong si Floid at sa kaibigan n'yang si Laurice at naipasama ang aking pangalan (and my wife's) sa pader ng Abbey Road Studios. I'm such a Beatle fan and having our names written on that vandal infested wall is such a thrill! Di man kami makapunta doon in person, at least nauna na mga pangalan namin 'dun. Pero kids, masama ang mag vandal ha, hehe.
The Ballad of Ron and Judy |
Thursday, April 10, 2014
Bang Bang Alley: Brilliant Dark Stories
Maarte ako sa pelikula. Lalo na siguro pagdating sa pinoy films. Nakakadala kasi! Minsan kahit mga direktor na alam kong de kalidad gumawa ng pelikula napapansin ko minsan kinakain na rin ng kumunoy ng sistema. Nawawala 'yung art, eh. Puro na lang pagkabig ng kita ang laging priority. Going back to Bang Bang Alley, alam n'yo bang maituturing na mga baguhan sa larangan ng pinilakang tabing ang mga direktor ng pelikulang ito? It's not that wala silang experience (dahil di naman halata), it's just that this is like their debut sa main stream film production. At huwag ka, their film exceeded my expectations ng sobra sobra!
Wednesday, April 9, 2014
RIP Ultimate Warrior
Sunday, April 6, 2014
E-Turista Dos
Isang munting balik tanaw sa isang masayang byahe na itago na lang natin sa pangalang Magical E-Story Tour (A.K.A. The E-Tour). Simpleng pamamasyal sa kung saan saan tracing back traces of Eraserheads history. This is the second time na nangyari ang tour na 'to though sa una iilan lang ang kasali. This time, di lang dumoble o triple ang dami ng mga E-Turistas kundi MAS lumobo pa!
More than the destinations, it's always the trip that matters. The nameless souls you met online - finally, nakita ko na ang mga mukha (or karakas in Tondo language). In short, masaya ang byahe pero lalong mas masayang makilala ang mga makukulay na byahero at byahera ng field trip na ito. We've been to Marikina, QC, Pasig, at kung saan saan pa and it is just all too much to capture all the wonderful memories in one short video. So here, isang munting pagpugay sa mga men at women, boys and girls, behind this E-Storical Lakbay Aral Trip. Enjoy!
Saturday, April 5, 2014
Misteryo ng Universe #10: Car Shows
Wow, ganda... uhm, 'nung kotse syempre, anukaba! |
Ahh car shows. One event na talaga namang dinadagsa ng car enthusiasts at mga photographers. Kahit saan ka lumingon ay naglipana ang magagara at pinakabagong labas na mga kotse. Kaliwa't kanan din ang shots ng nagsisilakihang mga camera. Pero pansin ko lang, bakit kapag nakakita ako ng photo album ng isang car show sa facebook, parang di yata cars ang nakikita kong laman. Instead - BOOM - puro 'yung naggagandahang models 'nung cars. Naisip ko na baka nagkakataon lang pero hindi eh - consistent talaga! Minsan zoomed in pa nga sa mukha ng model so imposibleng 'yung kotse talaga 'yung subject.
Admittedly, may panaka-nakang kuha din naman ang mga sasakyan, mga 10 out 50 pictures. Dahil bukod sa solo shots ng models, may kasama pa 'yang shots ng photographer WITH the models. Then again, this of course does not apply to all and maybe it's just me that when I see car show albums in facebook - ibang show ang nakikita kong pictures sa loob, hehe. It's a car show album? Suuuuuuure.