Sunday, October 27, 2013

The Kagawad Face-off

At dahil barangay election na bukas - handa na ba kayo sa salpukan ng mga kandidato? Akala mo pang senado ang eleksyon kung mangampanya ang mga kandidato. Kanya-kanyang rendition ng kanta at pakulo. Malupit n'yan, sa ibang lugar sa pinas, ang taas ng barangay election related death counts. O di ba? Pati sa pinakamababang pwesto sa pulitika nuknukan ng dumi talaga. Iba talaga kapag kapangyarihan na ang pinag-usapan. Kahit saang antas, applicable pa rin talaga ang term na "dirty" politics.

On the lighter side of the election, nakakatawa din naman talaga ang ibang kandidato. Specifically 'etong dalawang kagawad wannabes na natisod ko sa facebook. Kung ikaw papipiliin, sino sa kanila ang kagawad na karapat-dapat sa barangay mo?

Click to enlarge

Sunday, October 20, 2013

The Birthday Getaway to Acuatico! (Part 3)

After sa pool - it's beach time!

Maganda din ang view sa beach - maybe it's because of tke korean bodies? The roaring waves? Well, two things ang pinakanagustuhan ko sa beach ng Aquatico. Una, is when I saw Ron na parang sira ulong nagpapaka Titanic survivor sa buhangin. Palibhasa di marunong lumangoy sa tubig kaya sa buhangin nag breast stroke. Ogag lang no?

Frustrated swimmer

Thursday, October 3, 2013

Panawagan sa Kinauukulan (Updated)

Since identified na ang mga salarin - let's settle for this less diturbing picture
Di ko maisip kung anong kademonyohan ang pwedeng sumapi sa mga sira ulong 'to para ganituhin ang isang walang kalaban-laban na tuta. Naka drugs ba 'tong mga to!? Parang mga ritwal sa kulto kung apak apakan ang tuta. Nadudurog 'yung puso ko kaya di ko na kinayang panoorin ng buong-buo ang video - sapat na ang mga nakita ko at sa dulo tuluyan na ngang di nakayanan ng tuta ang kawalanghiyaan ng mga hayup na 'to. Sila ang tunay na HAYUP sa ginawa nila.

Kaya sana ay mabigyan ng parusa ang tatlong babae sa video at yung kumukuha ng video. Sana makaabot sa may kapangyarihan ang video at mamukhaan ang mga salarin. Hindi dapat tinotolerate ang ganitong kaharasan sa mga hayup - lalo na't sa isang wala namang threat tulad ng tuta sa video. Kung ginawa nila ito out of magpapansin - well, well done! Dahil nakuha n'yo talaga ang pansin ko at ng maraming tao. Let's see kung matuwa kayo sa kalalabasan ng pagpapapansin n'yo. Batas na ang bahala sa inyo.

Wednesday, October 2, 2013

Rise of the Pinoy Flicks

A scene from Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro
Pansin mo ba na lately blooming ang pinoy movie scene? Mukhang nagbunga na din ang walang humpay na pakikipaglaban ng mga pinoy artists para i-promote ang sarili nating galing pagdating sa paggawa ng mga pelikula. Kung dati parang matumal pa sa patak ng ulan ang datingan ng magagandang pinoy films na labas sa kahon ng usual genre na kung anong meron tayo (comedy, horror, drama, etc.) - ngayon parang pumapatak na ang ulan ng magagandang pelikulang pinoy.

At isa ako sa tuwang tuwang naliligo sa buhos ng ulan! With matching swimming pa sa baha, hehe.