Tuesday, May 6, 2014

A Brief Story

Last Saturday umattend kami ng debut sa Valenzuela. It was a birthday party slash reunion. Maraming relatives and sosi friends ng debutante ang dumating. Well, dahil na rin sa negligence ko, I did not know na isa rin pala itong overnight pool party, so I attended the party na walang baong pang-swimming man lang. Nakakabadtrip kasi sobrang init ng araw na 'yun at naiimagine kong ang sarap sanang lumublob sa private pool.

To cut the story short, nagpunta ako sa bayan para bumili ng mumurahing brief para lang makapag-swimming. Yup, 'yung tatlo isang daan. Feeling ko ako si McGyver (kuripot version) na nakaresolve ng isang malupit na krisis! After the program, Ginamit ko agad 'yung brief and just like that I am ready to swim, swim, swim!

So the celebration began. Ang saya! Ang daming bisita from young to old. Wala akong balak mag overnight so sinulit ko ang oras ko 'dun. Kapag nagsawa sa pool, aahon para kumain, tapos konting kwentuhan, tapos balik sa pool, then repeat. Pakalat kalat ako sa venue. Nandung lalabas pa ko ng area namin para pumunta ng parking lot. Yes, I'm proud of my tummy. So after all that, umuwi na rin kami ng madaling araw.

Kinabukasan, saka ko lang napansin 'yung tatak 'nung nabili kong brief. Tawa ng tawa asawa ko dahil ikinuwento ko pa sa kanya na super lamyerda pa naman ako sa party habang sumisilip 'yung tatak ng brief ko sa swimming shorts ko. Feeling ko tuloy model ako ni Dick Israel.

Dickies wannabe

No comments:

Post a Comment