Monday, May 12, 2014

My Top 10 Monday Music


Lunes na naman. Karamihan sa atin sobrang badtrip pag dumating na ang Lunes. As if naman inaano tayo ng Lunes, di ba? In contrary, di ba Monday signifies the start of a new week? So dapat nga masaya pa tayo dahil umabot na naman tayo sa isa na namang umaatikabong linggo ng pagtatrabaho. Maybe it's safe to say na sa totoo lang, di naman talaga nakakainis ang Lunes - it's your work that sucks. Napagbubuntungan mo lang ang Lunes.

Okay, so given na ngang ganon. So paano nga ba magandang pansalubong sa Lunes? Well, malaking factor d'yan is music. Right, malaki impact 'nung sisimulan mong gawin ang trabaho mo with the right music! I am talking about 'yung songs na kapag pinindot mo na ang play - BOOM! Energy flows everywhere! Just like that - ganadong ganado ka na magtrabaho.

Here are some of the songs na pinapatugtog ko to start my work day. Of course lahat 'to at upbeat saka nakakabuhay ng dugo. Wala pong halong Chicser songs sa mga kantang 'to dahil di sila nakakagising ng dugo - nakakakulo sila ng dugo.

Here's my top 10 Monday songs in no particular order.

1. Driving in the Dark - Saves the Day


2. Her Smile in Every Summer - Hot Freaks 


3. Black Sheep - Clash at Demonhead


4. Domino Effect - Ozma


5. Wildsurf - Ash


6. Photograph - Weezer


7. Short Skirt Long Jacket - Cake


8. Mexican Wine - Fountains of Wayne


9. Feel Good Inc. - Gorillaz


10. Genie in a Bottle - Speedway


Of course marami pang songs afer these ten songs pero these are the songs na talagang nasa unahan ng playlist ko before transitioning to work mode. These songs are MY OWN PREFERENCE so you may agree or disagree sa mga kantang nandito pero well, kanya kanyang trip lang 'yan. 

Okay kids, hopefully may napulot kayong kahit isa o dalawang songs from this list. Search for other songs from these artists, baka sakali ma-tripan n'yo din tugtugan nila. Napansin ko puro foreign songs pala ang nasa top 10 (Ron tuta ng KANO!!!) pero there are some local songs din naman ako on my Monday playlist - di nga lang umabot sa top 10. Might just make a separate list for them. MIGHT. Happy Monday everyone!

No comments:

Post a Comment