Wednesday, June 11, 2014

Dear Bong Revilla

Kap's amazing story song
Dear Bong,

Actually marami akong gagawin ngayon eh, busy sa trabaho kaya mabilis lang 'to. Tanong ko lang, ano ba'ng nakain mo at may nalalaman ka pang music video epek sa privilege speech mo? Sabi ng kampo mo may "revelations" ka daw na pasasabugin sa speech mo pero bakit nauwi yata tayo sa karaokehan?

'Yung totoo, akala mo ba may naantig sa kanta mo? Doon sa music video na parang ang linis linis mo? 'Yung nag-aabot ka ng bigas, humahalik sa oldies at bata at kung ano-ano pa? Feeling mo parang pelikula lang 'to na matapos ang production number masaya na ulit lahat? UTOT MO.

Lalo lang akong nabadtrip sa'yo after kong mapanood 'yung music video mo, Bong. Nakuha mo pa talagang magrecording eh no? Nakakainsulto lang isipin na ang babaw ng tingin mo sa mga tao sa paligid mo. Showbiz na showbiz ang solusyon mo sa problema mo. Feeling mo ba parang eleksyon lang 'to na konting kanta kanta o sayaw sayaw lang ng Gangnam kagat na agad ang masa? Anak ng teteng, mahiya ka naman! Huwag naman masyado makapal, Kap.

Sana this time manaig na talaga ang hustisya. Tutal 'yan naman madalas ang role mo 'di ba? Alagad ng batas na matinik sa chics? 'Yan tayo eh. Pwes, kung talagang bida ka, dapat harapin mo kung ano man ang ihahatol sa'yo ng batas. 'Di mo na kailangan ng script, kasi you'll have the right to remain silent naman eh, when the right time comes. Again, about ulit dito sa music video na ginawa mo - last na 'to ha! 'Wag mo na uulitin!


Nanggigigil,
Ronski

No comments:

Post a Comment