Vios 2014 - you served me well |
Honestly, di naman sapat ang walong oras para masabi mong "marunong" ka na talagang mag-drive. Kailangan mo ng road experience ng walang kasamang instructor para talaga masabi mo'ng may exprience ka na sa driving. At first, parang napaka-komplikado ng lesson, kasi manual 'yung kotse so kailangang pakisamahan si clutch. Once you get to understand kung bakit at kailan kailangan apakan ang clutch, you're halfway there on learning how to drive.
Bago pa mag-start ang driving lesson ko, kung ano anong youtube videos na ang pinanood ko para magka-idea ako sa pagmamaneho. May mga nakakatawang tutorials, may nakaka-kunot ng boo, pero none of these compare syempre sa actual na driving na mismo. Therse are some pinoy driving lesson videos I found sa youtube na nakakaaliw, yet informative naman at the same time. Syempre kailangan entertaining para hindi boring 'yung lesson di ba?
First video is my favorite kasi nakakaaliw 'yung instructor. 15 parts 'yang lesson n'ya pero some videos don't have audio. Bakit? Kasi he is selling the whole 15 videos in DVD format! O di ba? Business minded pa si kuya. Parang iti-tease ka muna to watch the first 3 videos then BOOM! The next video wala ng audio. Well, in fairness, the videos na may audio are very informative naman. Audio returns sa part 13 yata or so. Also, watch out for the texts na lumalabas sa screen every now and then sa video na 'to - panalo!
Second set of videos naman was uploaded by a student driver. Di ko alam kung ano'ng name ng school pero may natutunan din naman ako sa instructor kahit tanong ng tanong ng "Nakukuha n'yo po ba ma'am?" every 5 seconds. Hanggang part 8 naman ang lesson na 'to.
Lastly, isang medyo hambog style na lesson naman mula sa isang preskong instructor. Well, kahit na ganon - nakakaaliw at informative pa rin naman 'yung pinagsasabi n'ya. Dalawang parts lang ang lesson n'ya so konting tiis lang sa medyo mahanging approach ni kuya sa pagtuturo, he he.
Salamat sa mga videos na 'yan, medyo naging prepared naman ako sa actual driving lesson ko. Nag enroll ako sa Smart driving school since malapit lang s'ya sa amin. 8 hour lesson with a permanent instructor, meaning, isang instructor lang ang magtuturo sa'kin for the whole duration ng lesson. Ako na possessive.
Name ng instructor ko is Alvin at naging maganda naman ang experience ko sa kanya. Naging gentle s'ya sa isang first timer na katulad ko, he he. 'Di s'ya na high blood kahit 1,689.377 times akong namatayan ng makina sa mga unang days ng lesson ko. Eventually, medyo na-master ko na din huwag mamatayan ng makina awa ng Diyos. Medyo nabawasan na din ang panic mode ko everytime na mapapadpad ako sa lugar na maraming sasakyan tulad ng intersections. Sa bagay, nagmaneho ka pa kung ayaw mong makakita ng ibang sasakyan di ba? Di ko pa naranasan mag-drive sa EDSA pero mukhang doon ang ultimate test for stopping and going saka ng tamang diskartehan sa kalsada. Someday makakarating din tayo 'dun - someday.
For those na gustong matuto, I suggest na kumuha din kayo ng formal lesson for driving. Kahit na may kamag anak o kakilala kayong magtuturo sa inyo, iba pa din 'yung may professional instructor na magga-guide sa inyo na walang bias. Besides, magaganda ang sasakyan nila at kahit itodo mo ang aircon - okay lang kasi bayad mo naman lahat 'yun eh. Meron ding sariling brake pedal ang kotse nila for safety precaution. Safe na safe talaga kahit sumablay ka di ba? In my case, natapat na sasakyan sa'kin is Vios 2014 - bagong bago! Kaya naman lalo akong kinabahan sa pagmamaneho. Pero swabe 'yung Vios na 'yun - gaan ng manibela saka ang tahimik ng engine.
Ngayon, kailangan ko pang mag self-study bago ako sumabak sa kalye on my own. Kailangan na din mag apply for professional license para makapag drive mag-isa. Well, ang ending, ang pinaka dapat matutunan ng isang student driver is learning to build confidence sa kalsada. 'Yun talaga ang pinakamahalaga. 'Yung huwag matulala kapag nagkagitgitan na sa traffic. Presence of mind ba. Marami pa 'kong kakaining bigas on those departments so good luck na lang sa'kin. Lahat naman nagsisimula sa ganyan, kahit si Michael Schumacher I'm sure namatayan din 'yan ng makina 'nung student pa lang s'ya di ba? So, mabuhay ang mga namamatayan ng makina! Mabuhay!
No comments:
Post a Comment