Thursday, January 31, 2013

Paperman: A Walt Disney Love Story



Kaya naman pala ng american animation ang 3D-2D na approach sa paggawa ng films so why not revive it? Parang matagal tagal na din ako nakapanood ng 2D na animation from Disney eh, nakakamiss na din. This short film shows another option sa paggawa ng future animated flicks. And the music.. wow.

O sya, manonood muna ako ng Gundam, este, Gangnam.




Wednesday, January 30, 2013

Misteryo ng Universe #5: Bakit Laging May Kasama ang Babae Kapag Nagbabanyo?


Ever wondered bakit laging pag nag-cr ang mga babae dapat may kasama? Well, mystery revealed! I wonder ano pa ang ibang positions. Ganito ba ang Beta Formation?



Monday, January 28, 2013

Ang Kwento sa Likod ng "Kwento"

           

Last Saturday, umattend kami ni misis sa isang kasal. Kasal ng mga dating umattend sa kasal namin. Well, you can say we're just returning the favor, hehe. Pero actually 'yung ikakasal ay isa sa mga matatalik kong kaibigan kaya I treated this day special rin. Kaklase ko sya since high-school and until now magkabarkada. We even formed a band and made songs together. Feeling Lennon-McCartney lang ng Beatles. Well this time, we collaborated on a different project. A special video for his wife. Shot in just one day at puyatang editing. Nung pinalabas na sa kasal nila yung movie, we're very fulfilled and we knew it was a job well done.

Sunday, January 27, 2013

Tribute: Pepe Pimentel


Bago pa magkaroon ng kung ano anong game shows sa Pilipinas, nadyan na si Pepe Pimentel at matagal ng nagbibigay saya at premyo sa mga tao. Pera o bayong ba kamo? Obvios namang kinopya lang ang concept ng game na yan sa Kuwarta o Kahon ni Pepe Pimentel. Yun ang orig! At sino ba'ng makakalimot sa nag-iisang game na inisponsoran ng Yakult? Ang Yakult roleta ng kapalaran. Any gameshow na iisponsoran ng Yakult is definitely bad-ass! Classic talaga ang pag-ikot ng roleta  ni sir Pepe tapos papasok na ang kenkoy na background music then he will start to chant whatever letter the contestant chose.

Wednesday, January 23, 2013

Akala Mo Lang Wala ng Slumbook Pero Meron, Meron, Meron!



Share ko lang 'tong natisod kong "slumbook" sa net. At tulad ng title nya (Akala mo lang wala ng Slumbook pero meron, meron, MERON!), ito ang nagpapatunay na ang slumbook ay buhay pa din sa modernong panahon. Sigurado ako marami na sa inyo ang nakasagot o di kaya ay nagpasagot sa slumbook kaya I'm sure maraming makaka-relate sa makulit na slumbook na ito.

Monday, January 21, 2013

Dear J.CO Donuts

"Nothing is sweeter than the togetherness we share" - J.CO
Dear J.CO Donuts,

Isang oras kami pumila para sa'yo. ISANG ORAS. Kaya naman nung nakamtan ka namin ay di ka na namin tinigilan. Ayun, nagrebelde ang large intestine ko dahil sa'yo. Mabilis akong nakarating sa comfort room pero huli na ang lahat ng ma-realize kong wala akong dalang tissue. Buti na lang naaalala kong meron pala akong tissues mo sa bag ko. Umawit ang mga anghel ng Hallelujah!

Sunday, January 20, 2013

Happy Fiesta Tondo!

Imbitado ba ako o hinde?.... SAGOT!
Paano mo malalamang fiesta na ng Tondo? Simple lang. Subukan mong pumunta ng Tondo. Wag ka na magtaka kung bakit wala kang masakyan papuntang Tondo dahil majority ng mga drivers ay naka-fiesta mode! Walkathon ang lahat ng tao at party-party sa bawat kalsada. Pansinin mo rin ang colorful bandiritas na kadalasan ay gawa sa kulumpon ng straw o kaya plastic. Asahan na din ang paminsan minsang habulang taga at basagang bote as parlor games. Astig no? Happy Fiesta to the land of brotherly love - Tondo!


Friday, January 18, 2013

Misteryo ng Universe #4: Machine Man

Machine Man and Buknoy his "fighting ball"
Noong 1990's pinalabas ang Machine Man sa channel 13. Medyo di sya kasing sikat nina Shaider o Masked Rider Black pero medyo may recall na rin. Actually, mas sikat pa nga sa kanya yung sidekick nyang makulit na bola (ng baseball) na si Buknoy. In fairness, s'ya lang ang superhero na may ball. Pero meron pang mga kwestyonableng bagay about sa superhero na ito.

Tuesday, January 15, 2013

Ina, Kapatid, Anak Spoof

Pacquiao VS Marquez?
As you know first month anniversary namin ni Judy kahapon so love is in the air kahit na di kami magkasama maghapon. At ng sa wakas malapit na syang umuwi, nareceive ko sa kanya ang piiiinaka-sweet na mensahe EVER.

"Luvski, paki-download mo na yung Ina, Kapatid, Anak para pagdating ko tapos na sya mag-buffer. Love you..."

Monday, January 14, 2013

One Month After the Wedding

Samantala, sa kahabaan ng Roxas Boulevard...
Ngayon pala ang "monthsary" ng kasal namin ni misis. Biruin mo yun? Isang buwan na ang nakakalipas ng matapos ang ultraelectromagneticwedding ng taon. Kaya in celebration of this occassion, I present you this picture titled - Roxas BouLOVErd.


Dear Monday

Dear Monday,

Pansin ko lang ang dami mong haters - lalo na today. Sa Facebook at Twitter pa lang kokota ka na sa dami ng mga parinig na parang ayaw na ayaw nila sa'yo. Tsk, talk about cyber-bullying. Come to think of it, inaano mo ba sila? Kasalanan mo bang ikaw ang unang araw ng work week?

Ramdam ko ang inggit mo kina Saturday, Sunday at lalong-lalo na kay Friday. May resto pa ngang TGIF samantalang ikaw may kantang "I Don't Like Mondays" - saklap lang eh no? Pero naisip ba nila kung paano sila tatawid ng Tuesday kung wala ka? More importantly, mas masaklap yata kung huminto na lang sa Sunday ang araw nila - YUN ang tunay na masaklap. Kaya wag malungkot kaibigang Lunes at marami pa rin namang tulad naming nakaka-appreciate sa existence mo. Tulad na lang ng Spongecola at Join the Club na gumawa ng kanta na ikaw ang title, o di ba astig?

Nagmamahal,
Ronski


Thursday, January 10, 2013

Tabi Po


Nung bata pa lang ako mahilig na ko magdrawing. Napakalawak ng imagination ko nun kaya galit na galit nanay ko sa'kin dahil lagi lang napupuno ng drawing ang mga notebooks ko sa school. Tamad na nga kumopya sa blackboard puro doodles pa ang notebook. San ka pa?

Nahiligan ko rin gumawa ng sarili kong comics. Ang bilis ko daw magdrawing kaya tuwang tuwa mga kaklase ko nun. For all I know gusto lang nilang maisama ko sila sa mga imbento kong fantasy comics na kami-kami din ang bida. Nakaka-miss din. Parang wala na akong panahon sa ganun ngayon lalo na ngayon nasa computer age na tayo. How about web comics? Aba, dyan naman papasok ang malupit na web comics na nadiskobre ko kailan lang dahil sa isang college friend (Nathan). Habang nag be-brainstorm kami for a comics side-project, na-introduce nya ako sa "Tabi Po" web comics by Mervin Malonzo and I was mesmerized.

Wednesday, January 9, 2013

Misteryo ng Universe #3: Ang Kanang Kamay ni Pong Pagong


Naaalala nyo pa ba 'yung Batibot? Hindi ito yung "the new" Batibot na wala na sina Kuya Bodjie at Ate Sienna ha, eto yung ORIGINAL Batibot kung saan makikita pa natin ang idol ng mga batang 80's na si Pong Pagong (Weeeeeeeee!).

Wala ba kayong napansing kakaiba kay Pong Pagong? Nung bata pa ako, kesyo aliw na aliw sa kanya, dinedma ko lang kung bakit sa ilang episodes ko ng pagsubaybay sa Batibot eh palaging di gumagalaw ang kanang kamay nya!

Tuesday, January 8, 2013

Free Wi-Fi (Weh?)


Kung isa ka sa masusuwerteng nilalang na may libreng wi-fi access dahil sa kapitbahay - dalawang bagay lang yan. UNA, sadyang napakabait lang ng neighbor nyo at feeling nagkakawang gawa sa pagpayag na ma-access ng iba ang signal nila o PANGALAWA, sadyang di lang talaga techie si neighbor. Pero eitherway, SALAMAT pa rin sa kanila.

Pero ano pa nga ba ang babadtrip pa sa isang wi-fi access na akala mo maa-access mo na yun pala BOOM! Kailangan pa ng password. Kaya nagkaroon ako ng idea. Why not start January 2013 with an April fool's day prank. Simple lang naman, I changed our network name to FREE WiFi (weh?).

Saturday, January 5, 2013

Anyare sa Thy Womb?

See the wins and nominations. Sayang lang...
Anyare sa Thy Womb?

Pansin ko lang na tuluyan ng nawala sa sinehan ang pelikulang ito. Dahil daw konti ang nanonood at syempre pa - walang kita - wala na rin daw rason ishowing ito. Pero alam nyo ba na ang pelikulang itinapon na lang basta basta sa labas ng cinema houses (na parang popcorn box na wala ng laman) ay isang pelikulang binigyan ng standing ovation sa ibang bansa? 

Friday, January 4, 2013

Ang Pagkapon kay Ashong ng Tondo

Chillax sa tanghali
Mga bandang tanghali wala pang kamalay-malay si Ashong sa magaganap sa kanya mamayang alas dos - ang oras ng kanyang bitay, este, operasyon. Today is the fateful day na puputulin na namin ang paghahasik ni Ashong ng binhi sa mga kababaihang pusa. Dahil sa mga kadahilanang medyo marami-rami na ang pusa namin, di naman kalakihan ang nabili naming bahay, ang pusok masyado ni Ashong, at maligalig sya masyado mag-heat (super ingay at laging naghahanap ng chika babes) kaya nagpasya kami na ipakapon na sya.

Masakit man sa damdamin ko ay sigurado naman akong mas masakit kay Ashong ang mangyayare... lalo na sa eggs nya. Biruin mo kapon? Saklap! Pero para din naman ito sa welfare ng mga pusa namin at para na rin sa welfare nya mismo. At least magiging panatag na sya sa mga gabing malalamig at tila maraming tukso sa paligid... raawwwrrr. Mawawala na ang nakakagulong tawag ng laman... raawwrrrr. At tatahimik na rin sya sa kaka-raaaaawwrrr. And so, kinailangan na nga naming umalis papuntang clinic.

Thursday, January 3, 2013

Dear Ashong

Dear Ashong,

Ashong, may ever favorite cat, di na ko magpapaligoy-ligoy pa sa sasabihin ko sa'yo. Wala ng mahabang entrada at gagawin ko na 'tong straight to the point. Besides, alam ko namang matapang ka at matalinong pusa. Remember yung naglaro tayo ng fetch? Ang bilis mo maka-gets ng mechanics. Saya nun di ba? Kaya sana itong sasabihin ko sa'yo ay di gaano makaapekto sa'yo negatively.

Misteryo ng Universe #2: Grimace


Oo nga't cute sya pero ano nga ba'ng klaseng nilalang itong si Grimace? Sya nga ba talaga ang tiyuhin ni Kokey? Anong produkto nga ba ng Mcdo ang nirerepresent nya? Sinubukan kong ikonsulta sa Wikipedia ang identity nya pero di pa rin ako satisfied sa kung anong pagkain ang kinakatawan (sa katawang violet) ni Grimace. Di kaya sya ang pinagsama-samang produkto ng Mcdo kapag naiprocess na ng tyan at nailabas sa CR? Nahuhumaling pa naman sa kanya ang asawa ko, wag naman sanang mapaglihihan pag nagkataon!


Wednesday, January 2, 2013

Enter 2013

Kung nababasa mo 'to binabaiti kita ng CONGRATULATIONS at naka-survive ka sa 2012. Kung sampu pa rin ang daliri mo at wala kang paputok injuries CONGRATULATIONS ulit. Para naman sa mga nakahabol at nakahanap ng kanya-kanyang jowa bago magpaalam ang 2012 - CONGRATULATIONS at naka-graduate na kayo sa University of Singleness bachelor in loneliness. Tuluyan na rin kayong tumiwalag sa notorious gang na kung tawagin ay SMP (Samahang Malalamig ang Pasko). Para naman sa mga naiwang kasapi ng SMP, CONGRATULATIONS pa rin at bibigyan ko pa kayo ng jacket courtesy of Kuya Wil para daw mabawasan naman ang lamig ng mga gabi nyo sa 2013.