Bago pa magkaroon ng kung ano anong game shows sa Pilipinas, nadyan na si Pepe Pimentel at matagal ng nagbibigay saya at premyo sa mga tao. Pera o bayong ba kamo? Obvios namang kinopya lang ang concept ng game na yan sa Kuwarta o Kahon ni Pepe Pimentel. Yun ang orig! At sino ba'ng makakalimot sa nag-iisang game na inisponsoran ng Yakult? Ang Yakult roleta ng kapalaran. Any gameshow na iisponsoran ng Yakult is definitely bad-ass! Classic talaga ang pag-ikot ng roleta ni sir Pepe tapos papasok na ang kenkoy na background music then he will start to chant whatever letter the contestant chose.
"Letter L ng Yakult, letter L ng Yakult, Letter L, letter L, letter L..."
Hanep talaga! Pero ngayong wala na si Pepe Pimentel, and I'm sure not all people know him, gusto ko lang magpasalamat sa masasaya at nakakatawang memories na iniwan nya sa childhood TV life ko. De-roskas pa TV namin 'nun na may mala-gate na bukasan at sarahan na case. At ngayong nasa age na tayo ng LED TV's at Pinoy Henyo na ang in, let us not forget the father of Pinoy gameshows Family Kuwarta o Kahon and the man behind it. Thank you sir Pepe Pimentel.
No comments:
Post a Comment