Tuesday, May 28, 2013

And The Most Promising Recording/Performing Group Goes To...

Gagandang lalake ano po?
Matiwasay ako ng nagbo-browse sa facebook. Taking my time, basa basa ng posts at nagrerelax lang. Nang biglang nabasag ang aking katahimikan ng utak ko sa isang post na nabasa ko.

According sa 44th Guillermo Mendoza's Box Office Awards, the most promising recording/performing group of 2013 is no other than... CHICSER.

Friday, May 24, 2013

Ate, Ate... Anyare? (Chapter 1: Prologuing the Agony)

In celebration sa ika-100 entry ko dito ronflakes gusto kong sumulat ng isang kakaibang entry. Isang fiction! Isang fictitious story na pagsasama-samahin ang pinakamalulupit na panagalan sa iba't ibang industriya. Ito lang ang kwentong hindi pwedeng ikahon sa iisang genre lang dahil meron s'yang action, suspense, drama, comedy at bold love story.

At dahil fiction lang ito, LAHAT ng mga characters dito (kahit gamit ang real names nila) ay pawang bunga lamang ng aking malikot at makulit na imahinasyon. Parang spoiled brat na epileptic sa kakulitan at kalikutan. Any materials used are credited sa kung sino man ang may-ari. SO, di na ako magpapatumpik-tumpik pa at simulan na natin ang unang kabanata ng ating malupit na nobela na pinamagatang: Ate, Ate... Anyare?

Saturday, May 18, 2013

Ronflakes @ Eraserheads Night

Feeling rakstar
And so the almost impossible happened last May 15, 2013 - Ronflakes finally had an actual public gig! Woohoo! Nakakamiss din pala talaga tumugtog. Sakto naman na may fund raising event ang Pinoy Headstock at nagkataon pang ang tema ay Eraserheads. Double whammy dahil nakatulong na sa TUKOD ELEMENTARY SCHOOL and CASALAT ELEMENTARY SCHOOL in San Rafael Bulacan, nakapag enjoy pa sa gig. Ayus!

Since nasa hiatus ang banda ko, buti na lang may mga members sa Team Ely Buendia FB page na gusto ding tumogtog. Sabi ko nga, basta jam-jam lang! It's been a while since the last time na nabato ako ng kamatis nakapagperform ako on stage so exciting talaga. This time, kumakanta na - may gitara pa! Challenging pero I'm game for the fun ride. Game din kasi mga naging kasama ko. Nandyan sina Alean - the young drummer boy na pang-lolo ang trip sa musika. si Edgar ng bandang Radar na naging bass player namin, malupet na composer din at the same time. Si Kenny from my EMCI days played lead guitar, wala pa ring kupas sa paggigitara. At lastly, there's Floid na originally kasama sa banda pero unfortunately di s'ya naging available. He's from Lucena pa at talagang lumuluwas for the love of music. Ibang klase. And together, we formed The Universal Motion Dance Group Ronflakes.

Tuesday, May 7, 2013

Putik at Pulitika

Isang bala
Dalawang bala
Tatlong bala

Isa na namang kandidato
Ang tumumba sa kalsada

Friday, May 3, 2013

Bawal ang Gwapo Dito


Noong una akala ko joke lang 'yun pala totoo talaga!

Sino mag-aakalang may downside din pala ang pagiging gwaping? Recently may napabalitang napa-deport from Saudi dahil sa "threatening" na kagwapuhan. Wow.