Sunday, November 24, 2013

Picture of the Day: Langhap Sarap Champ!

Kain-kain din pag may time.
Ganyan kasarap ang champ burger w/ gloves ni champion Manny Pacquiao. Kitang kita namang halos mabulunan na si Rios sa pagkakangasab, hehe. Extra spicy 'yan courtesy of Roach! Sabi ko sa'yo kakainin mo lahat ng sinabi mo eh - 'yan kinain mo na nga. Pakibigyan na din 'yung conditioning trainer mo na ang lakas pumatol sa matandang may sakit. Hati kayo d'yan sa champ burger, hehe.

This shot was brought to you by Jollibee, este, Philstar pala.


Pacquiao - Rios Live Stream

Pwede silang boyband members sa isang alternate universe
Walang traffic. Walang krimen. Humuhini ang mga ibon sa langit. World peace. 'Yan ang magaganap ngayon dahil may laban na naman ang pambansang kamao nating si Manny Pacquiao. This time around, rematch sila ni Rios. As you know, nakatikim ng tadyak si Freddie Roach sa trainer ni Rios a few days ago kaya naman parang interesting mapanood 'tong laban na 'to.

Kaya maghawak kamay tayong lahat (mala-Catching Fire) at mag-cheer kay Pacman! Pwede n'yo s'ya panoorin sa local channels natin pero malamang tapos na ang laban nasa round 1 ka pa lang. So halimbawa nag-cecelebrate na ang buong Pinas tapos ikaw natetense pa sa harap ng TV.

Just Caught Fire

Every revolution begins with a spark
Catching Fire. Mahusay! Though na-bore ako sa unang Hunger Games, dito sa pangalawa (na 2 and a half hours ang haba) I really liked it. Pumasok ako sa sinehan ng may di kataasang expectation pero lumabas ng may ngiti sa mga labi. Well, I read a couple of reviews and they were right to say na enjoyable nga 'yung film.

Parang sa SM South yata dalawang cinemas lang ang hindi Catching Fire ang palabas. 'Dun pa lang alam mo ng in demand ang film na 'to. It's not all hype at all. Unlike Thor part 2, na I was a bit disappointed, Catching Fire is deserving na bwakawin ang mga cinemas ng SM. So why made it good?

Saturday, November 23, 2013

Xbox 360 Memories

Gamer tag pa lang panalo na
So the Xbox One officially launched. BOOM! Just like that we now refer Xbox 360 as a "last gen" console. Grabe, parang kelan lang parang ang Xbox 360 ang pinaka high-tech na gamit  ang meron ako. Para s'yang isang bagong kakilalang kaibigan na napakadaming kwento. 'Yung tipong mahirap mainip kahit s'ya lang kasama mo. Pero when you play with your friends with it - it's actually way cooler!

At ngayon na may bago ng bida ang Microsoft sa katauhan ng Xbox One, unti-unti ng mamamaalam ang Xbox 360 sa eksena. It may not be instantly - pero it will surely happen gradually. With that, hayaan n'yo muna akong mag-senti sa mga memories namin ng Xbox 360. Here are some of my fond memories of 360.

Sunday, November 10, 2013

Nagsimula sa Panaginip

So nanaginip ako kagabi ng isang magandang panaginip. Bumili daw ako ng "scratch it" sa isang lotto stand at tumama ng 200,000 pesosesoses! Ang saya ko daw sa panaginip ko kasi ba naman kumiskis lang ng card nanalo na ng 200k di ba? Di ako mahilig sa ganun pero jackpot agad!

Pero tulad ng pangarap kong magkaron ng six-pack... ako'y nagising sa katotohanag nanaginip lang pala ako.

Thursday, November 7, 2013

Ate, Ate... Anyare? (Chapter 3: The Napoles Memory)

Ang Nakaraan (tinginingininginginingining...):

I'm stuck sa isang trip sa pagtakas sa zombie apocalypse. Sa loob ng bus kasama ang iba't ibang personalidad na pinangungunahan ng driver naming si Miriam Defensor Santiago, we managed to escape EDSA. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang katabi kong si Nora Aunor ay infected at kasalukuyang natatakam sa braso ko. Feeling n'ya ata brazo de mercedes ang biceps ko (ba-dum-tsss!).

CHAPTER 3: The Napoles Memory

Habang turbo ang takbo ng bus namin, naghihiyawan naman sa saya ang mga bus passengers! Feeling fiesta sa bus! Nag-apir ang Teng brothers, sina Kris at James Yap nag-hug, nag group hug din sina Tito, Vic, and Joey. Kahit saan ako tumingin ay punong puno ng pag-asa. Well, of course maliban kay Nora Aunor na mahigpit pa din ang kapit sa braso ko at parang nagdedeliryo na. Gusto kong pumalag pero baka biglang ngasabin ang braso ko. Gusto ko din signalan si Robin sa pamamagitan ng eye contact pero lahat sila busy sa kaka-disco sa bus. At nangyari na nga ang kinakatakutan ko - tuluyan ng naging zombie si Nora!


Huling selfie ni Nora bago maging zombie