Promise, sandali lang 'to. I just want to let this out of my chest.
Facebook spams. Oh, yes, 'eto yung mga link na makikita mo sa facebook timeline mo na akala ko mo video (usually on topics na nakakaintriga or mga mahahalay) tapos pag click mo BOOM mapapadpad ka sa isang hiwalay na website na i-rerequire ka munang mag-share o kung ano ano pang shit bago mo SUPPOSEDLY mapapanood yung video. Mapapahinto ka ngayon at mag-iisip - shared naman s'ya sayo ng kapitbahay mo o ng kabarkada mo sa what can go wrong di ba? So susunod ka naman sa dikta nung website.
BOOM ulet. Welcome sa bangin ng katangahan. Congrats isa ka na sa magpapalaganap ng facebook spam.
Not sure kung anong napapala ng mga nagpapakalat nito pero for some reason meron talaga silang nabibiktima. Okay lang siguro mabiktima ng once. O sige, kahit twice, pero naman - yung pault-ulit? Ibang category na yata yun. Besides, sa panahon ngayon, dapat aware na tayo sa mga ganyang taktika sa facebook di ba? Naman, matutong maging skeptic bago pumindot ng pumindot.
Nakakapagtaka lang na bakit ang daming nabibiktima nito. Sa bagay, sino ba naman di maiintriga sa paglamon daw ng isang sawa sa isang babae ng BUO - pero makita mo pa lang na nilabas ka na ng facebook sa ibang website at ni-rerequire ka pa ng kung ano anong shit - magduda ka na naman! Nakakainis ang mga pasimuno ng spams na 'to pero equally nakakabadtrip 'yung mga nauuto pa ng mga oldskul style na 'to.
Year 2014 na, bakit kaya may mga tatanga tanga pa rin sa pag-recognize ng facebook spams? Do you agree? Hit Like kung agree ka at Share naman kung hindi ka sang-ayon. Thanks.
No comments:
Post a Comment