Tuesday, May 31, 2016

Baron Geisler vs Kiko Matos: Let's Get It On!

In fairness hawig ni Kiko dito si Juan Manuel Marquez
So tapos na ang bakbakan between presidentiables. Congrats Duterte.

Tapos na din ang ungusan ng mga bise presidente. The best woman won.

Natapos na din ang game 7 ng NBA west conference. Nagwagi ang Warriors.

Oras na para sa main event. Chris Buffer, i-announce na kung sino ang maglalaban sa URCC Fight Night this coming June 25, 2016 sa Palace Pool Club, Taguig, Metro Manila. Let's get it on!

Thursday, May 26, 2016

SSS: Super Swipe Scammers!

Malakas ang radar ng mga SSS sa ATM at credit cards
Kung madalas ka mag mall, malamang naka-encounter ka na ng mga palakad-lakad sa mall na naka formal attire at nag-aalok ng kung ano-ano. Sila 'yung tatawagin talaga 'yung pansin mo to the point na almost nakaka-harass na. Aakitin ka nila sa mga "freebies" nila at kung ano-anong friendly spiels.

Huwag na huwag mong i-eentertain ang mga hinayupak na 'yan dahil sila ang tinatawag kong mga bwitre sa mall. Sila ang SSS (Super Swipe Scammers)!

Friday, May 13, 2016

Picture of the Day: Ang Tunay na VP Winner

Tama na ang away! Napatunayan na ng picture na 'to kung sino ang tunay na VP winner. Halata naman sa mapangutya n'yang ngiti 'di ba? Say "Chiiiizzz...".

Chiz, isama mo naman kami sa 'paradise'.

Tuesday, May 10, 2016

Picture of the Day: Inday at Leni

Inday Sara: Bale limang beses ko s'ya sinapak.
Leni: Wow, grabe pala 'no?
Sarap sa mata nito. Kwentuhan sa carenderia lang ang peg. Sana this administration shows us that leaders are also ordinary people just given extraordinary tasks. Sana finally, we'll have an administration that truly relates to the people. Daang di lang matuwid kundi may tapang at malasakit din.

The Morning After

"Pinoy Ballot kayo d'yan!"
Well, almost all the votes are in - mukhang Duterte will bag this one. Some may not agree with his ways and talagang duda pa sa kanya pero sabi nga sa Survivor - "the tribe has spoken".

Burado na ang indelible ink sa daliri ng iba nating mga kababayan pero sariwa pa din ang voting experiences nila kahapon. Nagkaroon ng isolated cases ng malfunctioning voting machines at problema sa PWD/senior concerns pero naging successful naman daw ang botohan in general. I must agree compared sa last election, mas smooth nga ang naging botohan kahapon. Not to mention 'yung bilis ng pagbibilang ngayon ng mga boto. Kudos na rin sa Comelec kahit paano.

Thursday, May 5, 2016

Picture of the Day: Sorry Poe

Just received this. Oh well, it's the most wonderful time of the year . LOL.


May Nangangampanya Pa Ba?

Push n'yo 'yan
Pansin ko lang, 4 days before election day - may nangangampanya pa ba? I mean, lalo na sa social media, meron pa bang masasabing "nangangampanya" talaga? Even days before, I noticed parang wala na yata kasing nagpapabango ng pangalan nila. 'Yung tipong "Pag ako ang binoto n'yo, gagawin kong ganito ganyan ang buhay n'yo..." o kaya "Ako po ang iboto n'yo dahil ako ay masipag, matulungin, magalang, uliran, etc.". Wala ng halos ganon, eh. Alam mo kung ano na lang meron?

"Huwag iboto si Duterte!"