Sunday, December 29, 2013

Anderson Silva: The Leg Breaking Defeat

Kaninang tanghali nakatanggap ako ng texts kung meron daw ba akong alam na live stream ng Silva - Weidman UFC match. Weird. Dahil nanggaling ang mga tanong na 'to sa mga taong di naman ganun kahilig sa UFC pero bakit kaya gustong gusto nila mapanood ang UFC today? Meron ba'ng something? Apparently, meron nga and the video link below (hopefully it's still up) says it all.


Saturday, December 28, 2013

Dear Tita Cherry

Hi Tita,

Unang una sa lahat gusto ko mag thank you sa isang taong pinagsamahan natin. Di mo ko binigo sa mga expectations ko sa'yo. Ikaw ay naging isang mabait. masunurin, at dependable na telepono. Remember ginawan pa kita ng review? Truly, I will miss your amazon beauty and build. You've been such a gentle giant.

If meron akong micro complain, siguro yun na yung di kita mabulsa. Sa laki mo kasi, kailangan kong magdala ng maliit na bag all the time to carry you around. Okay lang naman sa simula, pero napansin ko lang na lahat na yata ng picture ko sa 2013 eh may nakasabit akong bag sa katawan. Trademark? Anyway, maliit na concern lang naman yun aside sa fact na na-mimiss ko na din magtext using just one hand.


Tuesday, December 24, 2013

Picture of the Day: Happy Birthday Bro!

Straight from FB - pati ang font at smiley
Kahit di mo birthday lagi mo kami bino-blow out ng blessings. Pati birthday mo, ginawa mo'ng everybody's birthday. Kaya ngayong 25 - HAPPY HAPPY BDAY BRO at salamat sa araw araw na "blow out"  cheers!


Monday, December 23, 2013

Bawal sa Mall

Hinihinalang leader ng Martilyo Gang
Kumakailan lamang ay naging laman ng balita ang notorious na pagbabalik ng Martilyo Gang sa North Mall kahit na Christma season na at super dami ng tao. Indeed, wala na nga silang takot at parang naging pabor pa ang crowd sa kanilang successful getaway. Ibang klase talaga.

As usual, sabay pasok na naman sa eksena ang pulisya AFTER ng insidente. Yup, parang klasik action flicks na kung saan darating lang ang mga parak na balot ng leather jackets sa gitna ng tanghaling tapat. Anyway, ang mga natatalinong utak ng ating pinagpipitagang mga pulis ay nakaisip na ng solusyon sa mga ganitong klaseng pagnanakaw.

Tuesday, December 17, 2013

5 Tips About Caroling


It's that time of the year again! Naglipana na naman ang mga batang mag-iingay, este, mangangaroling sa tapat ng mga bahay natin. Are you ready?

Remember, ang pag-handle sa mga nangangaroling takes patience and art! Minsan kapag di ka sanay makipag-deal sa kanila, pwede ka nilang maisahan. Christmas is all about giving pero it's also about knowing how to give :) And since 'tis the season to be jolly, here are the 5 things you should know about our beloved carol-ers.

Saturday, December 14, 2013

The Wedding Anniversary

At dahil first ever anniversary namin ni Judy, I decided to make her a special video. I shot this video somewhere in Korea (a park called Sandara) at inarkila ko din ang batikang mang aawit na si Johnoy Danao. Kumakanta s'ya habang ako naman ay busy sa pagkuha ng mga "cinematic" shots sa park. Isang araw lang ako sa Korea so di nahalata ni Judy ang absence ko. Anyway, here's the video, enjoy!


Friday, December 6, 2013

Revisiting Meteor Garden

Eto ang orig na Metor Garden
Kahit saan ka lumingon ngayon walang kaduda-duda na Korean invasion is here! Mapa pormahan, tv shows, o kahit sa mga tourist spots natin imposibleng walang bahid ng Koreans. Kahit nga yata di naiintindihan ang kanta, basta K-POP, ayos na 'yan! Speaking of singing without knowing the actual meaning of the songs - guilty din naman ako d'yan, pero hindi dahil sa K-POP kundi dahil sa isang Taiwanese teleserye sensation - Meteor Garden!

Sunday, December 1, 2013

Postcard of the Day: 5 Signs of Christmas

Limang sinyales na malapit ng mag-pasko.

1. Ultraelectromagnetictrapik.
2. Sandamakmak na SALE.
3. After ng TV Patrol may magsasabing "X araw na lang, pasko na!"
4. Dadami na naman ang magkakape dahil sa Starbucks planner
5. Paniguradong maririnig mo ang "Christmas In Our Hearts" by Jose Mari Chan