Monday, December 23, 2013

Bawal sa Mall

Hinihinalang leader ng Martilyo Gang
Kumakailan lamang ay naging laman ng balita ang notorious na pagbabalik ng Martilyo Gang sa North Mall kahit na Christma season na at super dami ng tao. Indeed, wala na nga silang takot at parang naging pabor pa ang crowd sa kanilang successful getaway. Ibang klase talaga.

As usual, sabay pasok na naman sa eksena ang pulisya AFTER ng insidente. Yup, parang klasik action flicks na kung saan darating lang ang mga parak na balot ng leather jackets sa gitna ng tanghaling tapat. Anyway, ang mga natatalinong utak ng ating pinagpipitagang mga pulis ay nakaisip na ng solusyon sa mga ganitong klaseng pagnanakaw.

Banned na sa mall ang pagsusuot ng cap, sumbrero, o kahit ano pang pwedeng maka-hindrance sa mukha ng tao from the CCTV's. Kahit sunglasses bawal na din daw. Malupit pa neto, nabasa ko pa sa news na pati yata pagbebenta ng martilyo eh bawal na din sa loob ng mall? Makukuha mo lang ang martilyo mo sa labas na ng mall after presenting your receipt. Outrageous pero is this true?! Kundi ba naman mga henyo talaga ang mga utak sa likod ng mga schemes na'to di ba? Taas kamay ako sa mga nakaisip ng prevention na'to.

Tama nga naman, kapag bawal na ang martilyo sa mall - wala ng martillyo gang! Paano pa sila matatawag na martilyo gang kung wala na silang pwedeng mabitbit na martilyo sa mall? Dahil dito, malamang mapanghinaan na sila ng loob at tuluyan ng magbagong buhay. Magpapakabait na at tatalikuran na ang madilim nilang kahapon. Tanong ko lang, martilyo lang ba ang pwedeng gamiting pambasag ng istante? Ibaban din ba nila ang tubo? Wrench kaya? Piko? Pala? Medyo maiiba nga lang ang pangalan ng gang nila pero di ba nila naisip na pwedeng pwede pa rin pambasag ng istante ang saaaangkatutak na bagay?

Regarding naman sa pagba-ban ng sunglasses at cap. Do they honestly believe na ito ang magsosolve sa problema? Napakadaling magsuot ng cap at sunglasses before doing the crime. Unless ipagbabawal na din sa loob ng mall ang pagbili ng sunglasses at cap? Paano kung stockings ang isuot sa ulo as mask, ipagbabawal na din ang stockings sa mall? Paano kung may black eye ka at may bad hair day - pupwersahin mo ang isang taong i-expose ang ulo n'ya at mata kahit naiilang s'ya? Suspect ka na agad kesyo gusto mo lang talaga mag cap o mag sunglasses sa mall? How about 'yung mga motorista, bawala na din ba helmets para mahuli na ang mga riding in tandems?

Sa halip kasi na paigtingin ang security at police visibility - kung ano anong bullshit ang naiisip ng mga pulis! Nakakabadtrip marinig ang mga plataporma ng mga pulis para masigpo ang mga lantarang krimen lalo na at papalapit ang pasko. Sa dinami dami ng modus ngayon, isn't it about time na medyo mahiya hiya naman ang pulisya at for once huwag ng maging tanga sa mga ganitong incidents? Para silang silang ginagawang gago ng mga kriminal! Kaya naman ang confidence at security ng mga pinoy sobrang baba. Kailan kaya darating 'yung time na magiging proud na tayo sa ating kapulisan? Isip isip din pag may time!


1 comment:

  1. Bagay na bagay pa naman saakin ang naka cap. Cute ako pag naka cap. hehe

    Ang kawawa yung mga matatanda na malalamigan yung ulo sa malakas na aircon sa mga malls o kahit na sinona kagagaling lang sa sakit na ayaw mabinat.

    Papaano kaya kapag naka anime costumes yung magnanakaw sa malls. eh di bawal na ang mag anime sa malls? Nagiisip pa naman akong mag anime he he.

    Napansin ko rin kapag turista pwede mag sunglasses at cap. Parang masama yung dating yung ibang lahi pwede pero kapag pinoy parang automatic na may suspetsa sa kapwa pinoy.

    ReplyDelete