Thursday, June 30, 2016

Hail the King of the North... and South of the Philippines!

June 30: Du30
Just heard Duterte's inaugural speech and I am impressed how it is concise pero malaman. Natuwa din ako na after ng pepared speech n'ya (na walang mura - bravo! LOL), nag-extend s'ya ng condolences sa mga biktima ng trahedya sa Turkey. Of course dedma lang sa mga anti-Duterte 'yan at abangers na lang sa susunod na palpak ng bagong presidente. Tsk.

Hindi s'ya perpektong tao, thus, will never be a perfect president. Pero one thing for sure, concentrating lang doon sa kakulangan ng presidente won't help. The operative word is LANG. Pansin ko lang kasi 'yung mga Duterte haters noon - Duterte haters pa din ngayon. Solid. Most of them, wala ng nakitang maganda sa ginawa ni Duterte. Talk about Dutertards on the other end of the spectrum. Oh well, move on move on din pag may time.

Tuesday, June 28, 2016

Picture of the Day: The Wolf is Back in Winterfell

Spot the difference. Napareview ako ng last episode dahil sa nalaman ko from GoT Wiki. Sa wakas! The wolf sigil is back sa intro ng Game of Thrones. Hell yeah!

The Boltons are out - sorry, Michael
The wolf is back, baby!

Monday, June 27, 2016

Ang Cutipie na Character ng Game of Thrones

Laking Bonakid - batang lumalaban
Ngayong tapos na naman ang isang season ng Game of Thrones, ilang buwan na naman tayong tutunganga sa kawalan at mag-aabang sa season 7(sana di naman affected ng Brexit). As expected solid na naman ang season finale na punong puno ng surpresa, pagkamatay, pagsabog, at.. at.. cuteness overload ni Lady Lyanna!

Si Lady Lyanna ang namumuno ng House Mormont sa Bear Island. Kitams, pati kung saan s'ya nakatira cute pa din ang pangalan. Pero huwag papalinlang sa edad ng batang ito, isa s'yang maangas na character sa Game of Thrones na s'ya naman tamang fusion ng cuteness at bad-assery.

Saturday, June 25, 2016

Ate, Ate.. Anyare? (Chapter 5: Change is Coming)

Ang nakaraan: Madilim o matuwid na daan?
Pasensya na po sa ating mga masugid na tagasubaybay at medyo naging busy lang po ang inyong lingkod kaya ngayon lamang nagparamdam ulit. Matapos makatanggap ng requests sa mga sikat na authors like Stephen King, J.K. Rowling, at Margarita Holmes - heto na at masusundan na ulit ang ating kwento. Hallelujah! 

Heto ang mga nakaraang chapters para sa mga ngayon pa lamang magsisimula sumama sa ating apocalyptic adventure.


And now on with our story. Enjoy!

Thursday, June 16, 2016

Dear CHR (Commission on Human Rights)

Dear CHR (Commission on Human Rights),

Napanood n'yo ba 'to? 'Yung dalawang van drivers na nanggahasa ng dalawang babae? Kung hindi pa, please panoorin n'yo.


Nakakakulo ng dugo 'no? Nakakaawa. I mean, bakit naman kailangan pang sapakin o sampalin 'yung rapist? Sumuko na nga, eh tapos magugulpi pa? Nasaan na ang human rights nila? Nasaan ang hustisya?

Sunday, June 12, 2016

Ronscreens: 1896: Ang Pagsilang

Happy Independence day!
In light of the ocassion, magbaliktanaw tayo sa isang album na nabuo para sa ika-100 taong selebrasyon ng ating kasarinlan - ang 1896: Ang Pagsilang!

Pinagsama-sama ang pinakamalulupit na banda ng dekada 90 para gumawa ng isang album for our centennial celebration of freedom. Nandyan ang Eraserheads, Rivermaya, The Youth, Francis Magalona, just to name a few. Kailan pa ulit mangyayari ang ganito? Literally impossible na since ang iba sa mga participants ng album na 'to are already gone (Francis Magalona, Gary Ignacio) o di kaya disbanded na (Color it Red, Agaw-Agimat). Para sa mga millennials, malamang di na nila kilala ang iba dito pero just the same, I can consider this album an important piece of Philippine history.

Friday, June 10, 2016

12 Unpopular TV Series You'd Probably Like

Loki vs House in The Night Manager
In relation to my previous post, 'eto na nga 'yung mga hidden gems na sinasabi ko. 'Yung mga TV series na di kasing sikat ng Game of Thrones or The Walking Dead pero de kalibre naman ang ganda ng story. Most of these TV series are serial pero may mangilan-ngilan din naman episodic so there's a fruitcake for everybody.

Ang iba sa mga hidden gems na 'to ay pwedeng narinig or nakita n'yo na somewhere pero may mga sinunod akong criteria sa pagpili ng mga TV series na 'to. Unang una, hindi dapat long-running. At most, dapat mga 2 seasons pa lang ang haba nito. Secondly, talagang under the radar 'yung TV series, meaning, kung magtatanong ka ng sampung tao - malamang 2-3 tao lang ang nakakaalam nito (plus may matching kamot ulo dahil di pa sila sure about it). And last criteria, of course, kailangan nagustuhan ko sila ng todo-todo! As in some of these TV series natapos ko talaga in one sitting.

Tuesday, June 7, 2016

Serial vs Episodic TV Series

Wala pa ring tatalo kay Maya at Sir Chief
Medyo late na 'ko nagsimulang ma-introduce sa TV series. Siguro dahil I am more of a movie/game/music guy kaya 'di ko naman na-realize what I was missing. Pero one fateful new year's eve, nagbago ang lahat sa buhay ko. Ano 'tong palabas na 'to na laging bitin ang ending? Bakit parang ang hirap n'yang tantanan!? 

I am talking about the TV series 24. Grabe. Cliffhanger ang bawat ending ng isang episode. From that moment on, nalaman ko na kung bakit ang daming nahahayok sa mga TV series. Kaya naman naging laman na ako ng Quiapo noon to look for TV series DVDs (yup, doon mo maririnig ang "dibidibidi"). At least I can finish a whole season without the bitin factor kasi lahat nasa DVD na. Dito ko nadiskobre ang Prison Break, Heroes, Battlestar Galactica, at kung ano-ano pang serial TV series. 

Thursday, June 2, 2016

Dear Duterte

The Checkered President
Dear Duterte,

Hi boss Rody, kamusta? Mukhang nasa hot seat na naman tayo, ah. Ikaw kasi eh, ang dalas mo magpa press con, ayan tuloy, ang daming nakukuhang pambato sa'yo. For example, itong nakaraang press con mo lang. Nakupo, ang dami mong sablay na sagot! Di ko alam kung hirap ka lang sa tagalog kaya ka namimis-interpret o sadyang wala ka na lang pake sa pwedeng interpretation ng sinasabi mo. Again, I don't worry about your intentions - just your mouth.

Tactless. 'Yan lang talaga makokomento ko sa'yo, bossing. Kahit gaano pa kaganda ang nasa isip mo kung sablay naman ang labas sa bibig mo - wala din! Saka minsan you tend to linger on things na wala namang saysay at nakakagulo lang sa usapan. Worse, mas nakakahanap butas pa sa mga plataporma mo. Minsan pa naman abangers sa ganyan ang media kaya ingat-ingat din pag may time.