Friday, July 29, 2016

Ronscreens: Stranger Things


Isa sa main contributors ng eyebags ko ay ang bagong TV series na ito - Stranger Things. Kakatapos lang ng season 1 nito at talaga namang lahat ay abangers sa second season. Bakit kamo? Well, there's no better way to explain it than to see it for yourself. And believe me, it deserves the hype it is getting.

Lahat ng nasabihan kong manood ng Stranger Things ay instantly naging fan ng series na 'to. Kung may networking lang ako, malamang ang dami ko nang downline. Paano ba naman kasi, it appeals to all - sa bata, teens, matanda, mahilig sa fiction, sa aliens, sa suspense, sa horror, comedy, geek stuff, love story, mystery, action, at higit sa lahat - friendship.

Picture of the Day: Pusha Ako

Salamat social media sa awareness

Sunday, July 24, 2016

Budul-budol at Pag-ibig


Sa di inaasahang pagkakataon
Dumating ka sa tamang panahon
Kung kailan ako ay hindi handa
Kinuha mo ang aking tiwala

Sa tamis ng iyong mga salita
Napakadali mo akong napaniwala
Oo nga't ngayon lang tayo nagkita
Pero parang ang tagal na kitang kakilala

May ibinigay ka sa aking importante sa'yo
Kaya ganun din naman ang ginawa ko
Kapalit ng tiwala na ibinigay mo sa akin
Ibibigay ko kahit ano ang iyong hingin

Friday, July 22, 2016

"Nanlaban"

Alam na this
Bago mag-sona sa lunes si Duterte, ilang pushers at users na nga ba ang bumulagta sa kamay ng mga pulis nitong mga nakaraang araw? Correction pala - suspected pushers at users. Well, madami-dami na ding "nanlaban" at napaaga ang appointment kay Lord. Pero nanlaban nga ba?

Parang sa dami ng enkwentro eh parang iisa lang ang kwento. Nang-agaw ng baril, nakipagpalitan ng putukan, at kung ano-ano pang version ang kwento pero iisa ang tema - nanlaban. Dahil sa kahina-hinalang patayan, di maiwasan na medyo umalma ang ilang netizens. Iisa ang tanong nila. Nasaan ang due process? Hindi ba extra-judicial killing ang nangyayari?

Thursday, July 14, 2016

NBI (Not So) Clearance

Where is Ronski?
Matapos ang mahigit apat na oras na pagpila ko sa Robinson's Dasma para mag-renew ng NBI clearance - BOOM! Meron daw akong hit. Nagmistulang field trip sa may pagawaan ng lapis ang pinila ko - mabagal at walang katuturan. Sa ilang beses ko ng kumukuha ng NBI clearance mula pa noong una kong application, ngayon lang ako nagkaroon ng problema sa pagkuha ng clearance.

Posible nga ba'ng magkapangalan ang isang tao? I mean kasama ang first, middle, and last name? Posible siguro kung generic ang kahit isa sa mga 'yan. Pero paano kung unique naman? Isama pa natin ang ilang info ng applicant like address, edad, and birthday? Eh 'yung picture ng aplikante? Siguro naman napakamalas ko naman kung kamukha ko pa 'yung kapangalan ko.

Thursday, July 7, 2016

Top 10 Kaplastikan sa Diet Signs

Suuuuuuure!
Kasama sa katotohanang bilog ang mundo ay ang katotohanang napakahirap mag-diet. Kung ikaw ay walang problema sa timbang at forever slim, sexy, or macho - good for you! Pero mawalang galang na lang at baka pwedeng lumayas-layas ka muna dyan dahil hindi ka welcome sa post na 'to (bitter ocampo mode). Dahil itong post na 'to ay naka-focus sa mga kasama natin sa pakikibaka - pakikibaka patungo sa payat na bukas!

The struggle is real sabi nga nila. Totoo 'to lalo na at sanay tayo sa spoiled nating appetite at lifestyle. Kakainin natin ang gusto natin at sobrang pasakit ang pageexercise, Ito ang masakit na realidad pero pilit nating pinanlalabanan. Walang bibigay! Walang susuko! Pero teka lang, kailan nga ba parang pinaplastik mo na lang ang sarili mo sa ilusyon ng pagda-diet?

Tuesday, July 5, 2016

Bioman and Friends

Isang balik-tanaw sa mga nakamulatan nating theme song noong 80's at early 90's. Mga panahong hindi pa kung ano-anog shit ang palabas sa TV para sa mga bata kundi mga tagalized anime at sentai. So here's a fantastic medley down the memory lane performed by the explosive Osang! BOOM! PAK! Ganern.


Sunday, July 3, 2016

Ronscreens: The Legend of Tarzan

Movie: 2 out of 5 - Abs: 6 out of 5
Well, that was a disappointing movie. Di ko alam kung masyado lang ako nag expect o talagang medyo lame lang 'yung pelikula. We watched the movie sa IMAX and still had a 'meh' experience. Why? That's what we'll tackle sa post na 'to.

Needless to say, this post will have mild spoilers. Pero pipilitin kong huwag maging detalyado for those who still want to give this movie a shot. Hopefully this will help you decide kung willing mo i-risk ang pera mo to watch this movie sa sinehan, moreover sa IMAX, or just save money and just by yourself Jolly meals. Let's go!