Thursday, November 15, 2012

AMALAYER Overdose

Malamang by this time napanood nyo na ang sensational video ni AMALAYER girl. Na co-starring si Miss Lady Guard sa papel na humiliated guard. Grabe no? Di yung video ha, but yung pagiging trending nya sa isang iglap. Yun ang tunay na grabe! Nilamon ng istoryang ito ang Facebook status at posts ng karamihan sa mga kaibigan ko sa FB. Kanya-kanyang puns at ratsada na connected sa "amalayer". Sa umpisa natatawa ako pero dumating na din ako sa point ng umay. Unti-unting nagtransform sa poker face and smiling face ko.

Unang una, siguro nanawa na lang ako sa amalayer jokes. I mean, parang ung THOR jokes nun remember? THORsday, THORete, kaTHORse... name it! Siguradong basta maidudugtong surebol yan na ikakabit. Itong amalayer ngayon pa lang trending pero may nakagawa na ng poster. Effort sa photoshop!

Posted by: Ice Yan Tol
Kontra bidang kontrabida lang ang datingan no? Isa pa yan sa medyo kinakaasiwa ko eh, kung makagatong yung ibang tao sa issue eh parang alam na nila ang buong storya kung ano ba talaga ang nangyare. In short... ANYARE? Minsan ang pinoy kasi madaling mag go with the flow. Kung saan yung majority doon na lang din papanig. Don't get me wrong, napanood ko yung video at talaga namang wala sa lugar ang pag iiskandalo ni ate amalayer doon sa LRT. Naniniwala ako na may mas maayos na option ng pakikipagusap kesa sa napili nyang option (na tawagin na lang nating megaphone option). Pero kahit sino naman sa atin guilty na minsan sa buhay natin ay nagalit din tayo - nandilim ang paningin at nakapagsalita ng mga bagay na di naman talaga natin mini-mean pero we said it anyway. Tao lang. Prone tayo sa ganyang mga bagay. Si ate amalayer is no exemption. Kaya nga mas lalo akong na-curious malaman what happened from start to finish para naman malaman natin yung pinanghuhugutan ng galit ni ate... mukhang malalim lalim eh.

Bilang masscomm graduate, sa tingin ko dapat pa rin natin alamin ang side ni ate amalayer. Balance reporting kumbaga. Then from there, mas madali na natin malalaman sino ba talaga ang nasa lugar. Baka kasi mamaya tayo palang madaling manghusga ang wala sa lugar all the while.


2 comments: