Sunday, November 11, 2012

I Heart DV

Kakagaling lang namin kahapon sa Divisoria at as expected, pinagmumura na naman ako ng kaliwa at kanang paa ko. May balak na daw silang magwelga at magsampa ng kasong feet abuse dahil sa walang humpay na paglilibot ko sa DV. As if naman masisindak ako sa kanila, pagsisipain ko pa sila eh. Pero medyo problema pala yun since sila pang sipa ko. Okay, magkita-kta na lang kami sa korte.

Anyway, mukhang solb na ang xmas gifts nina Judy dahil ang dami nila napamili with her mom and bro kahapon. Mula mugs, shirts, toys hanggang schoool supplies - check! Paano ba naman walang pakundangan sa pagbagsak presyo ang DV! Kung magbaba ng presyo parang wala ng bukas. No wonder dinadayo talaga sila ng tao. Uuwi kang parang bagong gahasa pero may ngiti sa mga labi dahil nakamtan mo ang items na gusto mo sa pinakamababang presyo.

Dapat may T-shirt na ding may print na "I <3 DV" eh, parang mala "I <3 NY" ang datingan. Swak na design yun! O kaya "I survived Divisoria" na print. Pa-customize na lang siguro ako as homage sa aking paborito at pambansang sentro ng komersyo at tawaran - Divisoria!



2 comments: