Monday, February 25, 2013

EDSA: May Sense Pa Ba?

'Nung kasagsagan ng EDSA revolution, uhuging bata pa lang ako 'nun. Nagsisimula pa lang akong matuto ng kung ano-ano sa eskwela at wala pang alam lalo na sa politika. Pero 'nung nakita ko sa TV na parang may "gera" sa EDSA at parang tensyonado ang mga tao sa bahay - I realized something VERY important is happening. Di nga ako nagkamali. Ang pangulo ng Pilipinas versus people of the Philippines.

That fateful day - nakapagpatalsik na pala tayo ng isang diktador. Angas no? Ilang bansa lang ba ang nakagawa n'yan sa history? Di ko din alam eh, pero basta ang alam ko lang feeling "proud" ako na nagawa natin 'yun as a nation. Parang fiesta sa EDSA 'nun, lahat parang friendly friends. Sundalo saka mga civilians nag-aapir saka nagyayakapan. Daig pa Lovapalooza (without the excessive kissing). Pero bakit ngayong 27th anniversary ng EDSA revolution marami yatang di masaya? Maraming nagsasabing wala naman na daw ang spirit ng EDSA revolution. Kalat pa rin ang kurakot, marami pa ring mahirap (despite sa hanep-buhay program ni Mrs. Villar), kawawa pa rin ang Pinas compared sa ibang bansa at kung ano-ano pang kalugmukan sa buhay. In short, bakit parang ang daming NEGA about sa event na ito?

Friday, February 22, 2013

The New Punctuation Marks

Stumbled upon this on Facebok (thanks, Mervin!) and just thought of sharing it with the rest of the bookworm community - o kahit na di masyado palabasa. It's from Collegehumor.com and strangely enough - some of these punctuation marks could actually be useful. Heto sila.


Chakra sa Umaga


Ganitong maulan sa umaga - sarap manood ng tagisan ng chakra! Unang laban, dalawang oras at kalahating bakbakan between Naruto and Pain. FIGHT!


Thursday, February 21, 2013

Pitch Perfect Fever


Napanood n'yo na ba 'yung movie na Pitch Perfect? 'Yung acapella movie ni Anna Kendrick? Kung hindi pa, pinapayuhan ko kayo na tantanan na lang ang pelikulang 'yan dahil baka matulad kayo sa asawa ko. Tuluyan ng nabaliw sa OST ng movie na 'yan at dumudugo na tenga ko sa paulit-ulit na loop ng bawat tracks sa OST ng Pitch Perfect.

Wednesday, February 20, 2013

Boobies!


Now this is what I call creative advertisement! This is an ad from a French lingerie company na nagpapakita ng "joyful reunion" ng dalawang boobies. Hanga lang ako sa pagiging fresh ng approach nila sa advertisement. Hindi bastos ang dating kasi it's in CGI at parang comedy pa ang dating. I just dunno kung mase-censor 'to soon (alam mo naman sa Pinas) so I'm sharing them to you guys as early as now.

Monday, February 18, 2013

Good Vibes Good Byes

the end
shouldn't end
your never ending
walk towards happiness

good byes
are often good
by turning them into
a chance for new hellos

Sunday, February 17, 2013

Saving Sally (Coming Soon As Possible)


I have seen this trailer 2 years ago and quite saddened na hanggang ngayon di pa din s'ya maipalabas sa mga sinehan. Looking at it, alam na nating kakaiba ang movie na ito. 3D combined with real people and animation. For the first time medyo lumebel naman sa animation ang indie films natin di ba? This is really a good start kung gusto natin i-explore ang galing natin sa animation. Kung suportado natin ang mga pelikulang Sisterakas at kung ano ano pang shit movies, sana masuportahan din natin ang mga ganitiong "new breed" of pinoy movies. Besides, ang cute ni Rhian Ramos dito, hehe.

Saturday, February 16, 2013

The Art of Moving On

Minsan talaga bibigwasan ka ng tadhana. Di maiiwasan 'yun. Kahit marunong ka pa mag-counter attack sigurado masasapol at masasapol ka ng kutos ng kamalasan. Kahit anong ingat mo, meron talagang lubak na specially designed para lang sa'yo. Madadapa ka. Sesemplang. Lalagapak sa putikan ng kabiguan. So after all that, ano na? Well, the rest is up to you.

Wednesday, February 13, 2013

Along Came Judy


Ginawa ko 'tong kantang 'to five years ago sa tulong ng modernong teknolohiya at makalumang paraan. Kahit ang hilig ni Judy noon ay mga kanta ni Kanye West, Beyonce at ng iba pang party songs - natuwa naman akong nagustuhan n'ya ang kantang 'to. At ngayong kasal na kami at paminsan-minsan na lang ako makahawak ng gitara, napapangiti pa din ako kapag naririnig ko ang kantang 'to dahil grabe - ang corny ko pala! Pero di ba ang pinaka-sweet na mga bagay ay may bahid talaga ng ka-cornihan?

Happy Valentines Day!


Tuesday, February 12, 2013

Tambay Movie Review (Wreck It Ralph)

Tambay Movie Review (or from now on ay tatawagin na nating TMR). Wala itong kung ano-anong shit. Straight-up review kung panget o maganda, may kurot sa puso o wala, at kung ano-ano pa. Pwedeng old, new o di pa pinapalabas na movie (thank you piratebay) ang mapagdiskitahan ko dito. Wag na din mag-expect na laging maaalala o accurate ang movie details like names ng characters or locations, sa IMDB kayo pumunta kung gusto n'yo ng ganon. Spoiler-free naman 'to so safe basahin. Para din di masayang pera n'yo kung may binabalak kayo'ng panoorin sa sine, di ba?

Okay, ilabas na ang unang biktima, este, pelikula for TMR!

Saturday, February 9, 2013

Ang Linggo ng Ka-dobol

At dahil doppelganger week sa Facebook, meaning hahanap ka ng ka-dobol mo at 'yun ang gagawin mong profile pic sa net. In short, pauso lang. Napaisip tuloy ako sino ba ang pwedeng maging kawangis ng isang tulad ko? Meron nga ba? Nasaan s'ya? At tulad ng laging unang tanong sa Pinoy Henyo - tao ba 'to?

Well, habang nag-iisip ako ng maswerteng nilalang na pwedeng maging xerox copy ko (naks!), let me give you my doppelganger gallery. Yung mga walang tulak kabiging kamukha talaga ang isa't isa.

Wednesday, February 6, 2013

Top 10 Magduda Ka Na Signs

Mag-ingat sa galawang hokage.
Narinig n'yo na ba ang linyang ito?

"Kailangan ko ng space. Hananapin ko muna ang sarili ko..."

Classic 'no? Sa umpisa parang nakakaawa naman 'yung tao kasi nalilito, confused, parang hirap na hirap ang isipan at kalooban. Tsk, wawa. So bibigyan mo s'ya ng space na kilalang kilala din sa pangalang COOL-OFF. In tagalog - palamig. Wala munang pansinan habang "hinahanap" n'ya ang sarili n'ya. Ayun, awa ng Diyos nahanap na nga - nakahanap nga ng bagong babae.

Tuesday, February 5, 2013

Cool Gel Manicure-Pedicure FREE!

Ahh, so ganyan gumawa ng ibon sa anino.
Okay, commercial muna.

Mahilig ba kayo sa manicure at pedicure? Ako hinde. Pero since binigyan ng free gel manicure-pedicure ng Mich and Myl Nails si misis, na-touch naman ako. Di lang kasi basta-basta ang service na binibigay ng Mich and Myl Nails, talagang fancy at creative ang mga manicure designs nila. Di 'to ordinary mani-ped lang - it's GEL manicure-pedicure (worth 1.6k usually) na mas matibay and long-lasting! Sosi di ba? Para ngang nababading na'ko just talking about it. Pero natuwa lang kasi ako sa kanila because they're generous enough na magbigay ng free service monthly sa isang lucky liker nila sa Facebook. 

Well, since malapit na mag Velentines, perfect surprise 'to para sa mga girls. Believe me, girls appreciate this kind of stuff. So are you the lucky winner for this month? Good luck! 


And to check their website, check out http://www.michmylnails.net/


Sunday, February 3, 2013

Les Miserables: Aawitan Kita Special


So napuyat kami ni misis sa pelikulang Les Miserables. Mahigit pala dalawang oras yun pero hindi halata. Paano ba naman hindi hahaba e ang bawat conversation - pakanta. Bawat may internal struggle - kakanta. Mamamatay na lang - kakanta pa rin. Nakakatuwa lang isipin what if lahat ng tao (kasama na mga kapitbahay, tambay, pulis, sundalo, etc.) ay bumibirit katulad sa mundo ng Les Miserables. Mga tipong eksenang ganito:

Boy:  ♪♫ Aling Cora pagbilan nga ng sopaaaaaas... ♪♫
Aling Cora:  ♪♫ Wala na iho, tanghali naaaa.... ♪♫

Friday, February 1, 2013

February Story

Baka kasi pag si Sir Chief nagsabi makinig ka.
February. Nako, alam na! Malamang marami ng nagpaplano how they will spend their valentine's day. Ngayon pa lang malamang sandamakmak na ang nagpapa-book sa mga fancy restos at kung saan saang hotel. Sigurado kahit sinisipon ka maaamoy mo na love is in the air! Kahit nga TV Patrol laging nirereport ang over-booking sa mga hotels - kailangan pa ba 'nun? Pati mga establishments like banko, gasoline stations, computer shops, gyms, bakery at kahit punerarya may mga valentine decors wag ka! F na F lang talaga ang month of love di ba?

Eh kamusta naman ang valentine month sa mga kakilala nating single? Moreover, sa mga taong kaka-single pa lang dahil nakipagbreak sa jowa? Saklap siguro dahil di man lang pinaabot ang balentayms. Malamang sa katorse maglilipana na naman ang pares pares na taong HHWWPSSPSS (Holding Hands While Walking Pa-Sway Sway Pa Sarap Sipain) at ginawa ng Luneta ang lahat ng kalsada. Indeed, ang mundo ay isang malaking Luneta pagdating ng katorse. Naranasan ko na rin na maging single at kailangang mag-commute papuntang office sa araw ng mga pusod, este, puso. Halo halong emosyon naramdaman ko. Nakakatuwa ang mga valentine oriented na palamuti sa daan at billboards, nakaka-depress kapag natyempo ka sa jeep na puro pares (pati driver may katabing ka-date), nakaka badtrip kapag nagsimula ng maglandian ang mga kasabay mo sa jeep at mag-PDA. Pumara na lang ako at dito nagsimula ang drama episode ko. Pasok Somewhere in Time na intrumental!