Saturday, December 29, 2012

CATangi-tanging Cake Para Sa'yo


Isang simpleng fondant carrot cake inspired by Judy's cats (and dog). Pinaghirapan ko pang pick-upin 'to from Las Pinas to Cubao and back. Supposedly surprise sana yun pero ang talas talaga ng pang amoy ng birthday celebrant. Killjoy! Just the same, hope you enjoy the cake luvski (or else...).

Wednesday, December 26, 2012

Nauto ng Matatanda (Christmas Edition)

Di ba't nakakabadtrip isipin na kung kelan matatanda na tayo eh saka pa pakonti ng pakonti ang nakukuha nating aguinaldo? Samantalang nung mga bata pa tayo eh halos kaliwa't kanan ang kubra natin ng pamasko. Lalo na siguro sa sangkaterba ang ninong at ninang (pasalamat kayo sa parents nyo , hehe). Come to think of it, sa dami ng naibigay sa ating pera ng mga ninong at ninang natin dati, kanino nga ba talaga napupunta ang "hard earned" aguinaldo natin? BOOM! You got it right. Kanino pa? Eh di sa mga wais parents natin.

So sa talino at wais natin noon, paano nga ba nila tayo nalinlang para mapasakanila ang ating mga "kashing-kashing?" Ilan lamang ang mga sumusunod sa kanilang mga sneaky STYLE.

Tuesday, December 25, 2012

Pasko Na Santa Ko

Tahimik sa bahay namin
Ako at pusa ko na lang ang gising
Doon sa baba maraming pagkain
Dito sa taas maraming mahimbing

Dati kaming magkakapatid mahirap patulugin
Dahil excited makita ang isang panauhin
Panauhing nakapula, mataba at may balbas
Palihim na naglalagay ng regalo sa aming mga medyas

Sunday, December 23, 2012

Our Wedding Super Suppliers

Imbitado Events on the left, Nice Print Photography on the right, US in between <3
Wala na yatang sasarap pa sa pakiramdam na SA WAKAS... tapos na ang sleepless nights at worries about our wedding. Wala na ang eyebags at pagiging tulala madalas. All that remains are the wonderful memories na naganap sa "magical" na araw na iyon. Pero syempre di magiging ganun ka-successful ang araw na 'yon kundi dahil sa cooperation ng aming mga relatives, kaibigan at mga suppliers. 

Yup, malaking malaki ang impact ng suppliers sa ikakaginhawa ng isang kasal. Pwedeng mauwi sa disaster ang lahat in just a snap kapag nagkamali ka ng kahit isa sa iyong mapipiling suppliers. Pwedeng wala pa kayo sa altar pero ngumangawa na kayo dahil sa problema. So ano ano nga ba ang sakop ng suppliers na 'to? 

Saturday, December 22, 2012

Dear Doomsday

Dear Doomsday,

Paano ba yan wala masyadong kumagat sa threat mo kahapon? Ikaw naman kasi epal ka, wala naman excited sa pagdating mo nananakot ka pa ng ganon. Yan tuloy pahiya ka na naman. Wag mo na uulitin ha. Besides, may reunion concert ang Father and Sons at sure ako na walang pwersa sa universe ang makakapigil dito.

Merry Christmas na lang sayo. Inom tayo minsan. Wala lang gunawan ng trip sa susunod, ok?

Cheers!
Ronski


Wednesday, December 19, 2012

The Hobbit: An Unexpected Review

1 Resorts World. 4 cinemas. 1 movie. The Hobbit monolpoly.
Epic. Yan lang nasabi ko sa aking pagbabalik sa Middle-Earth. I missed the place so much kaya nung napanood ko ang The Hobbit, it really felt nostalgic. After seeing the Lord of the Rings trilogy years ago sa big screen and now this - this has to be EPIC.

Pero okay nga ba ang movie? Dahil nga ba prologue sya ng Lord of the Rings kaya mahihirapan syang makapantay ang greatness nung tatlong pelikula? Was it over-hyped? How about yung casting, okay ba sila o parang Kim Chiu lang umarte? Well, here's an unbiased assessment of the film.

Tuesday, December 18, 2012

After I Do


4 days after the wedding day.

Wow, na-survive namin yun?! Truly, sa kasal mo may mga bagay na magagawa at makakaya mo na akala mo di mo kakayanin at magagawa before. The preparations, savings, coordinations.. whew, napatanong na lang kami sa sarili namin after the wedding. "Nakaya natin yun?"

Saturday, December 15, 2012

Ultraelectromagneticwedding Video


What can I say? Two thumbs up sa NicePrint for creating this wonderful video. Galing! I never doubted their talent and their way of handling their clients. They're definitely more than "NICE"... for me they're the BEST!


Thursday, December 13, 2012

Before I Do

In less than 24 hours ang inyo pong lingkod ay magbabago na ng status from in a relationship to it's complicated married. Just like that pupunta na ako sa next phase ng buhay... ang married life. Maraming nagtatanong ano daw ba'ng feeling ng ikakasal na. Kabado? Excited? Anxious? Well, siguro ilagay mo ang mga emosyong yan sa blender tapos i-mix natin ng mabuti then there you go - that's the feeling of a groom to be.

But really, more than anything else, I am happy.

Wednesday, December 12, 2012

Bawal Pisilin!!!


Kuha ko kanina sa DV. Nakakatempt pumisil pero napigilan ako ng mabasa ko 'to. Sinita nga ako nung tindera na bawal daw mag-picture kaya tinago ko agad cellphone ko mahirap ng ma-BUGBUG.


Tuesday, December 11, 2012

Wedding Jitters

Wedding jitters. Ang pagiging anxious about sa kung anong mangyayare before, during at after the wedding. In short - WORRIES. Siguro I'd say normal ito, lahat naman kinakabahan sa kung ano'ng di pa natin alam di ba? What if's kumbaga. Pero ano nga ba ang signs na ikaw ay unti-unti ng pumapasok sa wedding jitters territory? Well, here are some samples.

Sunday, December 9, 2012

Pacquiao Marquez 4 Live Stream

As always, dahil walang pang pay-per-view, tyaga tyaga muna tayo sa libreng live stream online ng Pacquiao Marquez 4. Click the images below para makapunta sa live stream and let's all cheer for our people's champ to win!

Link 1
Galit?

Link 2
Runner-up sa mukhang ilalagay sa 500 pesos

Link 3
Cute lang nila dati eh no?


Saturday, December 8, 2012

The Blog After the Party


Ayun, awa ng Diyos OLATS na naman sa raffle! Talagang todo tanggi pa ko sa mga mabababang prizes dahil umaasam ako ng grand prize pero kinarma lang talaga, tsk. Anyway, no sense crying over spilled spoiled milk. Kita nyo yung mga true blooded na party peeps sa taas ng picture? Sila ang mga officemates ko na nag-undergo ng cryogenics noong 80's at ngayon na lang ulit nagising from deep freeze. 


Thursday, December 6, 2012

The Blog Before the Party

Ah! It's that time of the year again. Ladies and gentlemen it's our 2012 Christmas Parteeehhhh!!! Kung saan ang tema namin ay 80's. Ang daming kumarir sa costume at umaasang magiging best in costume. Sayang nga naman ang prize. Sa totoo lang elibs ako sa mga di KJ at nakikisama sa tema ng party. Isa nga naman itomg big excuse to go crazy sa pagdadamit (at pag-iisip) once a year. Ang datingan ko ngayon ay mala Bagets nga pala. Sino sa Bagets? Well, kung sino man nasa isip mo ang sagot ay none of the above!

Wednesday, December 5, 2012

Review ng Isang Walang IPhone 5


Okay, so nagbasa basa ako kung ano na nga bang bago at mala-milestone na improvements meron ang bagong labas na iPhone 5. Oh yes, ang iPhone 4S mo ay isa ng thing of the past. JUST LIKE THAT. That being said, so expected ko na eto na ang iPhone na kinaiintay intay ng maraming Apple lovers. Besides, yung iPhone 4S parang special version lang ng iPhone 4 di ba? Pero kiber - pinagkaguluhan pa rin ito sa market. At heto na tayo ngayon - iPhone 5, the whole number 5. Nakakaimpress ba o nakakadepress? Nakakadepress siguro lalo na kung wala kang pambili.

Monday, December 3, 2012

Naaalala Mo Ba Yung Maalaala Last Week?


Last Friday sa kasagsagan ng "shower party" ni Judy ay kasabay na palabas ang Maalaala Mo Kaya na ang episode is about sa gay relationship. Maganda yung episode.. nakarelate kami.. CHOS! Seriously, magaling si Carlo Aquino sa role nya at di rin matatawaran ang makabagbag damdaming soundtrack ng episode na 'to. 

Friday, November 30, 2012

Misteryo ng Universe #1: USB Ports


Alam ko lahat makakarelate sa misteryo na ito. Madalas pag nagsaksak tayo ng kahit anong USB device sa ating USB port PALAGI na lang mintis ang first two tries. 

Thursday, November 29, 2012

The (Supposedly) Beatles Themed Invitation


One of the options sa mga ginawa kong mock designs for our invitation. Not bad for a Beatles' A Hard Day's Night theme. Sa bagay, the wedding night will definitely be a hard day's night after all.


Cherry Blossoms Ba Kamo?


Pasensya na at medyo puyat at nabilad sa araw si Zoren dyan kaya medyo ganyan itsura. Not to mention di nakaligo ng isang taon. LOL.


Tuesday, November 27, 2012

The Dark Knight Rises: Swak na Finale


Lubos kong pinagsisihan dati na di ko napanood sa big screen ang pelikulang ito. Siguro masyado lang akong busy noon kaya siguro napalipas ko sya. Pero isa sa mga pinaka valid kong reason siguro kaya ko sya pinalampas e dahil sa mga hinayupak na tao sa facebook na walang pigil sa sarili at inispoil ang ending ng Dark Knight Rises. Paksyet kayong lahat! How am I suppose to enjoy a movie na alam ko na ang ending di ba? Mga pampam online eh. Pero anyway I am glad to say na after watching the movie... MALI ANG SINASABI NYONG ENDING! Mang-iispoil lang ng ending mali mali pa. Mga HANGAL!

Well, this review MIGHT have spoilers so there. Wag nyo ko isumpa kung bigla akong may mabanggit na spoiler. Besides anong petsa na di ba? Ipapalabas na nga Superman wag mong sabihing di ka pa rin nakakatapos sa Batman trilogy.

Dear Zoren

Dear Zoren,

Maraming kinilig sa ginawa mong proposal-wedding combo noong isang araw. Actually, isa na ako doon. Saludo ako sa sweetness mo na tinalo pa yung ineendorse nyong Selecta ice cream sa tamis. Pero sumusulat ako sa'yo ngayon dahil gusto kong bigyan ka ng babala. Tila maraming kalalakihan kasi ang naaalibadbaran sa'yo ngayon. Bakit kamo? Hayaan mong ipaliwanag ko.

Magmula daw nung iere ang proposal-wedding nyo ni Carmina sa TV eh parang may nagbago na daw sa mga partners nila. Parang nag "transform" na daw ang standards ng mga partners nila pagdating sa salitang "sweetness".

Friday, November 23, 2012

Dear Antok

Dear Antok,

Nananadya ka ba talaga? Kapag kailangan kita di ka dumarating pero pag nasa biyahe ako o kaya may kailangang tapusing trabaho wala kang pasintabing dadalaw. Ano ba'ng problema mo? Sagwa lagi ng timing mo eh.

Tulad ngayon, 4:15 na ng madaling araw wala ka pa rin. Nasaan ka na naman gumimik ha? Dalawin mo na ko please! Di ako makatulog ng wala ka eh.

Umaasa,
Ron

Thursday, November 22, 2012

Opposites Attract Nga Ba?

Lagi nating naririnig ang term na "opposites attract" kapag may magkarelasyon na magkasalungat ang trip sa buhay pero nagkakasundo. Pero totoo nga ba ang opposites attract na yan? Di kaya naging mas madali lang na explanation ito sa isang bagay na mahirap maipaliwanag? Parang "time is gold" na universally accepted na kaya walang nagooppose? Well, in my opinion and experience, ito ay isang malaking kalokohan! Opposites never attract. Sa magnet lang applicable ang statement na ito at ang tao tulad mo at tulad ko ay hindi magnet.. TAO.. tao tayo!

Tuesday, November 20, 2012

Nauto ng Matatanda

Para masabing "awesome" ang childhood mo dapat marami kang alam na extra facts. Extra facts na pwedeng nanggaling sa mga nakakatanda sa'tin or sa mga kalaro natin na nagpasalin-saling dila na lang, Tapos sa paglaki mo, marerealize mo na lang na walang saysay ang mga facts na ito dahil hindi sila facts kundi mga walang basehang kaalaman. Mga kaalamang pag inisip mo ngayong mabuti ay matatawa ka na lang sa sarili mo dahil naniwala ka.. or more appropriately, nauto ka!

Ito ang top 3 na kaalamang (hindi naman) na nakalap ko noong bata pa ako.

Thursday, November 15, 2012

Tips sa Trip sa DV

Pwede na siguro nating gawing synonymous ang salitang christmas shopping at ang Divisoria. Sa ilang taon ko na rin kasing nabubuhay sa mundo at nagkataon namang isinilang sa Manila - sa Tondo - just a few tumblings and cartwheels away from Divisoria, masasabi kong dito na talaga ang BEST DEAL when it comes to bargains and variety ng mabibili. Indeed, mapa sosi ka man o middle class o (ayoko ng maging) dukha... there's a place for you dito sa ating pambansang sentro ng komersyo at kalakalan - ang Divisoria!

So ano nga bang meron sa DV? Saan ba specifically sa DV ok bumili ng anik anik? Yung tig sasampung pisong laruan para sa mga inaanak (na hindi choosy)? Kapag nagutom sa kakaikot saan ba the best kumain? Oh well, fear no more dahil bibigyan ko kayo ng insight kung saan sa DV mo matatagpuan ang iyong hinahanap!

AMALAYER Overdose

Malamang by this time napanood nyo na ang sensational video ni AMALAYER girl. Na co-starring si Miss Lady Guard sa papel na humiliated guard. Grabe no? Di yung video ha, but yung pagiging trending nya sa isang iglap. Yun ang tunay na grabe! Nilamon ng istoryang ito ang Facebook status at posts ng karamihan sa mga kaibigan ko sa FB. Kanya-kanyang puns at ratsada na connected sa "amalayer". Sa umpisa natatawa ako pero dumating na din ako sa point ng umay. Unti-unting nagtransform sa poker face and smiling face ko.

Monday, November 12, 2012

Bakit Badtrip si Ashong?


Bakas na bakas sa mukha ni Ashong (may persian cat) ang pagkadismaya sa litratong ito. Ewan ko nga ba, sa lahat ng na-groom na pusa sya pa ang di masaya. Halos tatlong oras din syang nandun sa Animal House grooming center na nilinis at minake-over so bakit kaya sya badtrip?

Dear Lefty

In connection with my previous post, here's my sorry letter para sa makakaliwa kong paang si Lefty...

Sunday, November 11, 2012

Get Well Soon Lefty

Tawagin nyo na 'kong masukista ng paa dahil sa kabila ng pag rereklamo ng mga paa ko kahapon lang sa Divisoria - nag walkathon na naman ako mala Dora the explorer from Tondo to NAIA to Cainta and back! Halos sa byahe at lakad ko nagugol ang araw na ito. At dahil dito, mukhang tinotoo na ng kaliwang paa ko (na tawagin na lang nating Lefty) ang pag oorementado. Talagang masakit na sya ngayon tuwing nilalakad ko at ito ay hindi katanggap tanggap na asal ng isang subordinate! Bawal magkasakit!

I Heart DV

Kakagaling lang namin kahapon sa Divisoria at as expected, pinagmumura na naman ako ng kaliwa at kanang paa ko. May balak na daw silang magwelga at magsampa ng kasong feet abuse dahil sa walang humpay na paglilibot ko sa DV. As if naman masisindak ako sa kanila, pagsisipain ko pa sila eh. Pero medyo problema pala yun since sila pang sipa ko. Okay, magkita-kta na lang kami sa korte.

Friday, November 9, 2012

What if Tagalog ang Ghost Fighter Song?


Nakita ko lang online 'tong kalokohang 'to! In fairness swak yung mga wordings kapag pinakinggan mo. Mataimtim talagang pinakinggan ng henyong gumawa nito ang bawat salitang hapon sa kantang 'to tapos hinanapan ng tagalog counterpart. Astig! What a way para maalala ang ating paborito at inaabangang anime dati - long live Ghost Fighter!


Thursday, November 8, 2012

The Miss Bolinao Pageant


Parang kelan lang naglalaban laban ang mga babaeng ito para sa korona ng Miss Bolinao, hehe. Sino nga ba'ng nagwagi at ang mga umuwing uhugan? One of my favorite videos, indeed. Maaaring di nga sila lahat naging Miss Bolinao pero lahat naman sila MISS ko. BOOM!


Save The Date!


Isa sa mga bagay na enjoy na enjoy kong gawin is gumawa ng videos. Lalo na ang gumawa ng video para sa pinakamamahal kong babae sa buhay. Yiheeeeee!


Ang Girlfriend kong IMBA

Pag sinabing IMBA, ibig sabihin nito ay ibang klase. Out of this world. Parang "wow, pare, heavy!" ganun ang datingan. Sa DOTA lang madalas magamit yang term na yan pero napagisip isip ko na swak ding gawing adjective to sa girlfriend ko na itago na lang natin sa pangalang Judy. Ilang taon na kaming magkasama at minsan napapailing pa rin ako sa mga IMBA traits nya.

Heto ang ilan sa mga IMBA traits na sinasabi ko.

Confessions of a Sea Sick Boy

Ayoko sa tubig.

No, di ko sinasabing takot ako maligo o lumusong sa baha. Ang ibig ko sabihin eh yung lumangoy at magbyahe sa ibabaw ng tubig . Kahit anong sasakyang pandagat pa yan basta maramdaman kong up and down ang sahig dahil sa alon di na'ko mapakali. Ayokong ayoko yung pakiramdam na unstable yung sasakyan tapos alam ko na nasa gitna kami ng ilang galon ng tubig na lampas building sa lalim. Brrrr!

Two Cents Section

Di ako sure kung bakit equivalent ng opinyon ng isang tao ay dalawang sentimos lang, thus the expression, "here's my two cents". Labo no? Ang mura naman ng perspective mo sa isang bagay. Di mo man lang gawing two pesos o two hundred. Pero para sa akin, ito ay "priceless" (naks!). Pero anyway, kaya ko lang naman na bring up yan dahil I decided to add another category sa Ronbits, which will showcase lahat ng klaseng two cents na pwede kong i-share sa mundo - the Ron Says section.

Wednesday, November 7, 2012

Wreck-It Ralph Preview

Okay, this looks promising. Nabuhay ang dugong nerdo ko nung mapanood ko yung trailer ng Wreck-It Ralph. Paano ba naman it's a video game based movie na gawa pa ng Disney. Sa sasandaling clip ng trailer nakita ko ang ilang familiar villains sa mundo ng video games. Nandun ang mga kalaban sa Street Fighter, yung kalaban ni Pacman, si King Koopa, saka parang meron ding kamukha yung bida sa Halo. Ah basta halo-halo yung nandun, parang cross-over tuloy ng video game villains ang datingan. Here's the trailer and sana nga this will be as good as I imagine it to be.



Dear Tyan

Dear Tyan,

Kamusta ka na? Mukhang ok na ok ka kasi nananaba ka na naman, eh. Di komut hinihimas kita madalas eh di nako nababadtrip tuwing walang humpay ang pag deposito mo ng pagkain. Minsan para ka lang construction worker na pinagkaitan ng lunch break kung lumapang. Sagwa pre, wa-poise!

Together Again

Oh yes! Mas nakakainlab pa sa tambalang Guy and Pip, Monching at Lotlot, Judy Anne Santos at Wowee de Guzman ang pagbabalikan ng dalawang entity na tila napakatagal na ring pinag hiwalay ng tadhana. Ladies and gentlemen, please join your hands (and i-lift up nyo na rin kay God kung gusto nyo) for the reunion of Ron and his undying-passion-for-writing! Yun na po yun, ang pagbabalikan namin ng aking  passion for blogging. Thus the title.. <i-play ang song na Together Again> Together Again!

Ang Balikan

Dear Ron,

Bago ang lahat gusto kong sabihin sa'yo na I really appreciate na nandito tayo ngayon at magkasama na ulit. I really couldn't ask for more. Ilang beses mo na kong laging pinapaasa tapos iiwan mo lang din naman lagi.. how dare you! Ano ba'ng wala ko na meron yang querida mong si Xbox? Dati ako lagi kasama mo magdamag ngayon sya na gusto mo kapuyatan? Why?

Field Trip sa Gallery

Welcome sa Ronski Artsy Fartsy Gallery
Dahil lahat ng creations ko dito nakadispli (bisaya ng display)
Mapa tula o kanta, short films at iba pa
Dito sa aking mini gallery ninyo makikita

Let's Go Retron!

As this section's name implies, para sa mga di mabilis ang pick-up, Retron is a tribute sa ating mga retro days. Mula sa Uncle Bob's Lucky 7 Club hanggang sa retro games na Battle City at Contra, iisa isahin natin ang mga yan sa ating paglalakbay sa memory lane ng naka roller blades habang kumakain ng Pompoms at naglalaro ng brick game.

Ronscreens 101

Sa section na 'to I am planning to screen some stuff na nagamit, napanood, napakinggan, natikman (wink) at kung ano ano pang naencounter ko sa outside world na pwede kong ireview para sa inyo.